Matagumpay na idinaos ng Department of Social Welfare and Development Region 3 sa ilalim ng Kapit Bisig Laban Sa Kahirapan (KALAHI-CIDSS) ang Groundbreaking Ceremony ng isang unit ng day care center sa Brgy. San Josep, Laur, Nueva Ecija 

Mahigit Php 1,455,085.00 ang nakalaang badyet para sa naturang proyekto. (Php 571,455.33 ang mula sa DSWD KALAHI-CIDSS, Php 845,356.25 mula sa lokal na pamahalaan ng Laur, at Php 38,283.00 mula naman sa lokal na pamahalaan ng barangay San Josep.)

Itinampok sa aktibidad ang pag turnover ng tseke sa komunidad at ang groundbreaking ceremony ng sub-project bilang hudyat ng pagsisimula nito. Dagdag pa dito ang oath-taking ceremony ng mga halal na community volunteers na mamamahala sa pagtatrabaho sa nasabing proyekto.

Dinaluhan ang aktibidad ng Concurrent Regional Program Coordinator (RPC) ng KALAHI-CIDSS Tomasa T. Lirio, at ilang kawani ng ahensya katuwang ang lokal na pamahalaan ng Laur sa pangunguna ni municipal Mayor Atty. Christopher “Tupe” B. Daus. 

Nagpaabot ng mensahe at pasasalamat si Mayor Daus, “Ito [KALAHI-CIDSS Day Care Center] ang magiging model namin. Lahat ng barangay na walang day care center, patatayuan natin ng day care center at lahat centralized. Maraming maraming salamat sa DSWD huwag kayong magsasawa. Kung pwede forever na kayo dito.”

Dagdag ni RPC Lirio, “Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pagtutulungan ng bawat isa mapagtatagumpayan po natin ang construction na ito kasi naniniwala kami with our concerted efforts from the Mayor, from LGU to the barangay level, from the community volunteers, and we, the DSWD staff here present, we can really make a difference.”

Ito na ang pangalawang proyektong imprastraktura na handog ng programa sa Munisipalidad ng Laur ngayong taon.

Layunin ng KALAHI-CIDSS na bigyan ng pagkakataon ang mga komunidad na magdesisyon, magplano, at magbigay priyoridad ng mga problema sa barangay. ###

image_pdfimage_print