Ngayong araw ay opisyal na binuksan ang kauna-unahang karagdagang satellite office ng DSWD Bulacan sa Star Mall sa siyudad ng San Jose Del Monte (SJDM) para sa mga bulnerable at nangangailangang mamamayan nito. 

Tugon ito ng DSWD Region 3 sa proklamasyon ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na dapat siguraduhin ng DSWD na laging handa ang mga relief goods at iba pang agarang ayuda lalo na sa mga malalayong lugar sa bansa. 

Naging posible ang pagtatatag ng satellite office sa pagtutulungan ng DSWD Region 3, katuwanang ang Office of the Representative of the Lone District, at ang pamahalaang pangsiyudad ng San Jose Del Monte. 

Ang DSWD Region 3 ay patuloy na maghahatid ng Maagap at Mapagkalingang Serbisyo para sa mga mamayan ng Gitnang Luzon. ###

image_pdfimage_print