Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development Region 3 sa ilalim ng Kapit Bisig Laban Sa Kahirapan (KALAHI-CIDSS) pormal nang ginanap ang groundbreaking at turn over cermeony para sa proyekto ng pagtatayo ng high school unit classroom para sa mga kabataan ng San Isidro, Laur, Nueva Ecija. 

Tinatayang nasa 1.5 milyong piso ang nalaan para sa proyekto  (Php 1,084,386.43 ang mula sa DSWD KALAHI-CIDSS at  Php 464,737.04 mula sa lokal na pamahalaan ng Laur.)

Dinaluhan ang aktibidad ng Promotive Services Division Chief Vilma R. Serrano katuwang ang lokal na pamahalaan ng Laur sa pangunguna ni municipal Mayor Atty. Christopher “Tupe” B. Daus. 

Ipinaabot ni Mayor Daus ang kanyang mensahe,  ”Sa pamamagitan ng proyektong ito mabibigyan natin ng pagkakataon ang mga susunod na henerasyon na sila’y makaahon sa kahirapan. This will be historical and monumental on our part. This will be the beginning of the good start. Maraming salamat po sainyo sa lahat ng mga kabahagi. Makakaasa po kayo bilang inyong ama ng bayang ng Laur, na ako po ay 100% nakasuporta sa mga pangarap ninyo lalo na sa larangan ng edukasyon.”

Layunin ng KALAHI-CIDSS na bigyan ng pagkakataon ang mga komunidad na magdesisyon, magplano, at magbigay priyoridad ng mga problema sa barangay. ###

image_pdfimage_print