Nitong araw ay opisyal na nilagdaan ang memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Kapit-Bisig Laban Sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services, Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (KALAHI-CIDSS KKB) at ng lokal na pamahalaan ng Casiguran, Aurora.

Nagsilbi rin ang aktibidad upang maipamahagi ang kaalaman sa pag-iimplementa ng programang KALAHI-CIDSS kung saan nakapaloob ang mga paksa tungkol sa mga regulasyon ng magiging proyekto ng komunidad. 

Sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano at konsultasyon sa mga mamamayan, inaasahan na ang ibabang 7.5 million grant ay makakatulong sa pagbuo ng mga proyektong makakapagbigay solusyon sa mga pangunahing problema ng kani-kanilang komunidad. 

Tinatayang nasa higit na 55 na katao ang nakilahok, kabilang angDepartment of Social Welfare and Development (DSWD) Region 3 Director Jonathan V. Dirain, Municipal Mayor Hon. Roynald S. Soriano, at iba pang kawani ng ahensya at lokal na pamahalaan.

Pagbabahagi ni Director Jonathan V. Dirain sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Casiguran, Aurora. “Ang KALAHI-CIDSS ay isang Community Driven Development program na hindi naka-angkla sa ayuda lamang. Pinapalakas ang barangay level na makatulong samin sa DSWD – sa national government, sa pagpapaunlad at pag-iimplementa po ng mga poyekto ng gobyerno. Sa ngalan po ng ating Secretary Rex Gatchalian ay sana at patuloy nating pagyamanin at paunlarin ang ibinigay na allocation sa mga bayan tulad ng Casiguran, Aurora”

Ang KALAHI-CIDSS KKB ay isang Community-Driven Development (CDD) project na naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga benepisyaryo nito sa pamamagitan ng pinalakas na pakikilahok sa lokal na pamamahala at pagdevelop sa kakayahang magdisenyo, magpatupad, at mamahala ng mga aktibidad na pangkaunlaran upang masugpo ang kahirapan. ###

image_pdfimage_print