Idinaos ang Municipal Orientation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan, Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services, Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (KALAHI-CIDSS-KKB) sa Multipurpose Hall, Brgy. II, Plaza Squadron, Quezon, Nueva Ecija.

Aabot sa 7.5 million ang grant allocation na ibaba sa mga barangay na kung saan ay pag-uusapan ng mga kani-kaniyang barangay ang kanilang problema, at dito pipili ng pinaka priority na pwedeng gawan ng proyekto.

41 participants na binubuo ng mga punong barangay, representante mula sa mga barangay, at mga na miyembro ng Municipal Inter-Agency Commitee ang dumalo sa naturang aktibidad. 

Kabilang dito ang Sanguniang Councilor ng Quezon, Nueva Ecija, Ma. Odet Lahom na nagpahayag ng pagsuporta at pasasalamat sa programa, “Maraming salamat sa DSWD at sa KALAHI-CIDSS sa  pangalawang pagkakataon na mapasama ulit sa programa ang Munisipalidad ng Quezon. Makakasigurado kayo na aming ibibigay ang aming suporta sa programa.” ###

image_pdfimage_print