Pinangunahan ni Regional Director Jonathan V. Dirain ang opisyal na pagbubukas ng dalawang linggong selebrasyon ng ika-72 anibersaryo ng DSWD Region 3 bilang bahagi ng makasaysayang paggunita ng pagkakatatag ng Departamento. 

Sa unang araw ay idinaos na ang elimination games para sa mga kalahok sa basketball, volleyball, at badminton. Ipinakilala rin ng mga SWAD ang kanilang mga representate sa Gandang Sportsfest mula sa LGBTQIA+ community. 

“I know everybody is ready to show their athleticism, but the long wait is over. I know all of you are excited to win and get the championship. What is important is how we play sports, it’s how we build camaraderie, teamwork, and friendship and these should translate when we go back to work.” mensahe ni Director Dirain. 

Bukod sa sportsfest, magkakaroon ng iba’t-ibang aktibidad at patimpalak para sa mga empleyado ng kagawaran. Ang pagdiriwang ay mula sa huling linggo ng Pebrero hanggang sa unang linggo ng Marso. 

Bahagi rin ito ng wellness program ng Regional Office para sa kanyang mga manggagawa. ###

image_pdfimage_print