Nilagdaan ang Memorandadum of Agreement (MOA): Expanded Gatasang Kalabaw Convergence Project sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development Region 3,  Department of Agriculture-Philippine Carabao Center, Department of Trade and Industry Region 3, at Commission on Population and Development Region 3. 

Layunin nito na makapagtatag ng sustenidong kabuhayan para sa mga magsasaka at komunidad sa loob ng “Buffalo Value Chain” at mas maitaas ang produksyon ng gatas na layuning suplyan ang National Feeding Program para sa Gitnang Luzon.

Inilatag din sa kasunduan ang pagpapataas ng kakalaman sa pagnenegosyo, kasanayang pagkabuhayan, at pagpapaunlad ng pamilya upang maibsan at mabawasan ang epekto ng kahirapan at kagutuman sa rehiyon.

Samantala pinagtibay din ng DSWD Region 3 and DTI Region 3 ang kanilang pagsasamahan at pagtutulungan sa paglagda ng dalawang ahensya sa Joint Memorandum Circular (JMC): Kabuhayan, Integration Business Initiatives and Gainful Access to Networks (Kaibigan Convergence Project). 

Layunin naman ng JMC na ito na makapagbigay ng mabilis at maagap na interbensyon sa mga biktima ng kalamidad, sakuna gaya ng sunog at iba pa. 

Sa ilalim naman nito ang bawat kwalipikadong benepisyaryo ay makakatanggap ng suporta sa mga nasabing ahensya upang pataasin ang kanilang kaalaman, kasanayan, at mas mapabuti ang kanilang panlipunang kalagayan.

Ang seremonya na paglalagda ng MOA at JMC ay sinaksihan ng Nampicuan Dairy Farmer mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program at Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty ng DSWD Region 3. ###

image_pdfimage_print