Categorized | Uncategorized

SSI – Solusyon Sa kahirapan ng mga IPs

Ako si Gng. Zyrah Guerra-Dela Cruz na nabibilang sa tribo ng mga Agta ng Sitio Dumaguipo Brgy. Cozo Casiguran, Aurora. Ako ay kasalukuyang Barangay Health Worker  na may honorarium na limandaang piso (P500.00) kada buwan. Ang aking asawa na si Jordan M. Dela Cruz  ay isang Brgy. Councilor na may honorarium na limang libong piso (P5,000.00) kada buwan at nagsisilbi ding pastor dito sa aming komunidad. Binayayaan kami ng tatlong anak na sina Juris, Zyrine Mae, at Jyrah na kasalukuyang nag aaral sa mababang paaralan ng Dumaguipo Cozo, Casiguran at sa Gumacas Essential Missionary School kung saan sila pong tatlo ay taon taon pong nakakatanggap ng award. 

 

Kami ay hinirang bilang Huwarang Pantawid Pamilya 2018 ng Region III at mula noon ay patuloy naming pinag yaman ang aming mga natutunan sa aming Community and Family Development Sessions upang maisabuhay at patuloy na matulungan ang aming mga kasamahang benepisyaryo at sabay-sabay naming maiangat ang antas ng aming pamumuhay. Ang natanggap naming pinansiyal na gantimpala mula sa Huwarang Pantawid Pamilyang ay ginamit ko upang makapagpatayo ng maliit na bigasan dahil hindi pa rin po sapat ang kita naming mag-asawa dahil tumutulong pa rin po kami sa aming mga kapatid na katribo. 

 

Dahil nga rin sa tuloy-tuloy lamang ang aming pagtulong ay unti-unti ring naubos ang aming naipundar na bigasan, ngunit hindi iyon naging hadlang upang muli ay magsumikap kaming mag-asawa. Noon nga pong Nobyembre 2018 ay nabigyan kami ng ₱20,000 na puhunan mula sa Support Services and Intervention (SSI) for Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) beneficiaries.  Ako ay nabiyayaan ng Hog Raising Project kung saan nagsimula ako sa dalawang (2) baboy na may kumpletong feeds na sasapat upang sila’y mabenta. Pinagsikapan naming mag asawa na mapalago ang aming puhunan kaya naman ngayon ay nasa ikatlong cycle na kami, may anim (6) na alagang baboy at mayroon na akong 3,000 na savings sa aming group savings account. 

 

Ang aming mga kinita noong nakaraang tatlong cycle ay aking inipon upang makapagpagawa kami ng aming bangka na sa ngayon ay ginagamit naming upang kami ay may panibagong mapagkukunan ng kita kung saan ito ay pinarerenta naming sa mga pupunta ng poblacion sa murang halaga. Ginagamit din namin ito upang manghuli ng isda na pang ulam at kapag may sobra ay aming ibebenta. 

 

Mula din sa aming SSI Hog Raising ay nakapag simula ako ng maliit na sari-sari store ngayong pandemic lalo na hirap kami bumili ng aming mga pangangailangan dahil kami ay nasa tawid dagat; para rin hindi mahirapan pang bumili ang aming mga katribo ng kanilang pangangailangan. Tuloy-tuloy din kaming nagtatanim ng iba’t-ibang klase ng gulay upang ang aming ulam ay libre na at ang ibang sobra ay aking pinamamahagi sa aking mga katribo nang sila rin ay may masustansyang makakain ng mapanatili naming malusog ang aming katawan.

 

Patuloy din ang aking pamilya sa pagsusulong ng adbokasiya ng programang MCCT sa edukasyon, kung saan ito rin ang aming naging inspirasyon kaya naman ako ay nagpatuloy at nakatapos ng high school sa pamamagitan ng Alternative Learning School, samantalang ang aking kabiyak naman na si Jordan ay nagtapos ng College sa kursong BS Theology at nagpaplano siyang magturo ng Values Education kung matatanggap sa Mount Carmel College Casiguran. 

 

Nangangarap rin akong makapagkolehiyo makakuha ng kursong Midwifery sa pagnanais na makatulong at makapag serbisyo sa aking mga katribo at sa aking Barangay.  Kaming mag-asawa ay nagsisilbing guro sa mga kasamahang benepisyaryo ng MCCT at iba pang katribo upang matutong magsulat at magbasa at sinisikap naming patuloy nilang pag aralin ang kanilang mga anak. 

 

Sinasabayan din namin ito ng patuloy na paghubog sa espiritwal na aspeto ng pamumuhay ng mga tribo kung saan linggo-linggo ay pinangungunahan namingmag-asawa ang aming sunday service. Ang cash grant naman na tinatanggap ng aking pamilya kada ikalawang buwan ay napupunta pa rin sa mga pangangailangan ng aming mga anak sa eskwelahan at pambili ng vitamins lalo na ngayong panahon ng pandemya. Kaya naman lubos ang aking pasasalamat sa DSWD MCCT sa pagbibigay ng oportunidad sa aming mga benepisyaryo na magkaroon ng pagkakakitaan.

 

Story by: Renamel Lombres based on the narrative of Zyrah G. Dela Cruz

 

This post was written by:

- who has written 185 posts on DSWD Field Office III Official Website.

He is the Regional Information Officer of DSWD Field Office III, has earned two bachelor degrees, topped the 2017 Social Work Licensure Examination, and currently pursuing a master degree in Social Work.

Contact the author

Comments are closed.

Transparency Seal

citizenzcharter

eaics_logo

philgeps

Tweets by ‎@dswdfo3


Related Sites

PHVsPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1YS5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8yPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yi5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yy5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1ZC5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9tcHVfYWRzZW5zZTwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9kaXNhYmxlPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbS9hZHMvMzAweDI1MGEuanBnPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9hZHNlbnNlPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2Rpc2FibGU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHBzOi8vZm8zLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvdXBsb2Fkcy8yMDE3LzAzL2Jhbm5lcl9mbzMucG5nPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzI8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF91cmxfMzwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRzX3JvdGF0ZTwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hbHRfc3R5bGVzaGVldDwvc3Ryb25nPiAtIGRlZmF1bHQuY3NzPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYXV0aG9yPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hdXRvX2ltZzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fY3VzdG9tX2Nzczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2N1c3RvbV9mYXZpY29uPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVhdF9lbnRyaWVzPC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgbnVtYmVyOjwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXR1cmVkX2NhdGVnb3J5PC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgY2F0ZWdvcnk6PC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVlZGJ1cm5lcl9pZDwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlZWRidXJuZXJfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZ29vZ2xlX2FuYWx5dGljczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWVfdGh1bWJfaGVpZ2h0PC9zdHJvbmc+IC0gNTc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19ob21lX3RodW1iX3dpZHRoPC9zdHJvbmc+IC0gMTAwPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29faW1hZ2Vfc2luZ2xlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19sb2dvPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cHM6Ly9mbzMuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC91cGxvYWRzLzIwMTcvMDMvcnN6X2ZpbmFsX2xvZ29fZHN3ZC5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19tYW51YWw8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vc3VwcG9ydC90aGVtZS1kb2N1bWVudGF0aW9uL2dhemV0dGUtZWRpdGlvbi88L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19yZXNpemU8L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvcnRuYW1lPC9zdHJvbmc+IC0gd29vPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd19jYXJvdXNlbDwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd192aWRlbzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2luZ2xlX2hlaWdodDwvc3Ryb25nPiAtIDE4MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3NpbmdsZV93aWR0aDwvc3Ryb25nPiAtIDI1MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RhYnM8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RoZW1lbmFtZTwvc3Ryb25nPiAtIEdhemV0dGU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb192aWRlb19jYXRlZ29yeTwvc3Ryb25nPiAtIFNlbGVjdCBhIGNhdGVnb3J5OjwvbGk+PC91bD4=