Guagua, Pampanga – Nagsimula ng ipamahagi ang pinansyal na ayuda sa ilalim ng Emergency Subsidy Program para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na walang Europay, Mastercard, and Visa (EMV) Card sa probinsya ng Bataan. 

Una nang nakatanggap ang 13 sambahayan mula sa mga bayan ng Orion (6), Limay (6), at Pilar (1). Patuloy ang pamamahagi sa mga benepisyaryo ng 4Ps na walang EMV Cards sa mga darating na araw. 

Tinatayang nasa 2,632 na 4Ps sambahayan ang target para sa Region III, karamihan dito ay nasa set 9 o nabibilang sa mga newly registered na benepisyaryo. Sila ay mula sa probinsya ng Aurora (71), Bataan (59), Bulacan (484), Nueva Ecija (931), Pampanga (713), Tarlac (265) at Zambales (109). 

Ang bawat sambahayan ay makakatanggap ng ₱5,150. Ang nasabing halaga ay top up grant para sa kanilang health grant (₱750) at rice subsidy (₱600) na regular na natatanggap ng bawat benepisyaryo ng 4Ps kada buwan. 

Inaasahan na matatapos ang pamamahagi ng ESP sa lahat ng 4Ps na sambahayan at mahihirap na pamilya sa ika-8 ng Mayo sa buong Region III. 

###

image_pdfimage_print