Ang Social Pension Program ay hindi para sa lahat ng Senior Citizens. May mga kwalipikasyon ito na dapat tinataglay ng nakatatandang may edad 60 pataas. Ayon sa batas, dapat na prayoridad ang mga natatanda na may sakit, nakaratay o may mga kapansanan. Uunahin din dapat ang mga matatanda na walang anumang suportang nakukuha mula sa sino mang kaanak at wala ring ibang pension musa sa SSS, GSIS o iba pa. Dahil dito, umulan ng reklamo noong nakaraang taon, 2018, tungkol sa mga nararapat at hindi nararapat na nakakatandang kasali sa nasabing programa.

Ang mga reklamong ito ay umani ng kautusan mula sa administrasyon sa DSWD na linisin ang listahan ng mga Social Pension Program for Indigent Senior Citizens. 

Patuloy parin ang pag-rerevalidate ng mga benepisyaryo ngunit base sa bagong guidelines ng programa, ibabahagi ang mga nasabing pensyon kada anim na buwan, at may kabuuang halaga na 3,000 pesos o 500 pesos kada buwan.

Kaya naman, madaling umaksyon ang DSWD Region 3 na ibahagi na ang mga pensyon sa mga partial list ng clean list ng mga beneficiaries.

Nagsimula ang pamamahagi sa Gitnang Luzon ngyong araw na ito sa probinsya ng Nueva Ecija, na may inaasahang 2,651 bilang ng mga benepisyaryong nasa partial list.

Dahil partial list pa lamang ito, inaasahan na magkakaroon pa ng iba pang schedule ng pay-out para sa natitira pang mga benepisyaryo. 

Handa naman ang DSWD na sumagot sa mga katanungan ng publiko at mga reklamo nito kaugnay ng paglilinis ng listahan. Maaari silang lumapit sa DSWD Help Desk na matatagpuan sa mga pay-out areas ng kanilang komunidad.

image_pdfimage_print