STA. ANA, PAMPANGA — Ginanap ang pagtatapos ng 16 na benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program. Nagsanay ang mga benepisyaryo ng Dress Making NC II sa ilalim ng Empoyment Facilitation Track katuwang ang Global Citi College of Science and Technology. Ipinresenta ng mga benepisyaryo ang kanilang mga tinahing pulang bistida.

Nagpaabot ng mensahe ang kanilang Municipal Social Welfare and Development Officer na si Gng. Rosanna M. Sanga, “Sabi nga nila, opportunity knocks once, pero palagay ko ‘di lang once dumating ang opportunity sa buhay ninyo.” Dagdag pa niya ang kanyang pasasalamat sa DSWD, “Salamat sa patuloy na pagsuporta sa aming bayan, dati 4th class [municipality] kami, ngayon 3rd class na, salamat sa patuloy na pagtulong ng tulad niyong ahensya.”

Hinikayat niya ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pagbibigay ng payo at gayundin ang pagpapalakas ng loob ng mga nagsipagtapos upang sila ay makapaghanap ng trabaho.

Naparangalan din ang apat na natatanging benepisyaryo bilang mga best sewer na sina Yolanda Umali, Analyn Lozano, Marilyn Rodriguez at Merian Esteban.

Pinaalalahanan naman ni Gng. Melanie Barnachea, OIC Division Chief ng DSWD Promotive Services, ang mga benepisyaryo, “Sana po maging daan ang mga programa na ito upang makita po ninyo ang mga oportunidad kung paano maiaangat ang lebel ng kabuhayan at paano masusuportahan ang pangangailangan ng ating pamilya.”

Gayundin, sinabi ni Gn. Vencie P. Vertulfo na ito lamang ang simul;a ng pagtatagumpay nila sa kanilang buhay.

Naging emosyonal ang benepisyaryong si Edina Hernandez sa pagpapasalamat, “Sa wakas po nakamit na namin ang pangarap namin na magkaroon ng makina at kahit papaano, makakatulong na kami sa mga asawa namin at mga anak. Sana po, mga katulad kong magulang sana ang matatanggap nating makina ay madadala natin sa magandang paraan upang makamit ang trabaho at magandang kinabukasan natin.”

image_pdfimage_print