Categorized | featured

PL Suzette

Si Suzette D. Alonzo, isang Parent Leader, na nagmula sa Barangay Palimbang, Calumpit, Bulacan. Si Suzette at ang kanyang asawa na si Jowell, isang karpintero, ay may tatlong supling na sina Marvin, 22 taong gulang, Maris, 16 taong gulang, at Kristina Angeline, 10 taong gulang.

Ang buhay niya noong bago dumating ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay nasasabi nyang hindi sapat ang salitang kapus na kapos sa buhay. Nakikitira lamang ang pamilya niya dahil maging ang pagkain at panggastos sa araw-araw ay hindi nila malaman kung saan kukuhanin. Hindi permanente ang naging trabaho ng kanyang asawa bilang isang karpintero. Ang pagpapaaral at pagpapacheck-up ng kanyang maging anak ay karaniwang naisasakripisyo upang mapanatiling may laman ang kanilang tiyan. Sa sitwasyong ito, gumagawa si Suzette ng mga paraan upang matulungan ang asawa sa pagdedelihensya ng panggastos ng pamilya. Nagsa-sideline siya bilang isang maglalaba at nag-aalok ng mga lutong ulam at miryenda.

Taong 2012, napabilang ang pamilya ni Suzette bilang isa sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Lubus-lubusan ang ligayang naramdaman ng mag-asawa sa malaking biyayang naipagkaloob sa kanila ng gobyerno at ng ahensya ng DSWD. Naging malaking tulong ang cash grant upang magkaroon ng pag-asa ang pagkamit ng kanyang mga anak sa edukasyon na inaasam ng mag-asawa para sa kanila. Nakakapasok na ang kanilang mga anak sa eskwelahan ng may laman ang tiyan at hindi na naisasakripisyo ang edukasyon na kanilang panghahawakan pagdating ng panahon.

Unti-unting nakakabangon ang pamilya sa kanilang kinakasadlakang kahirapan. Naisasaayos na ni Suzette ang pagpaplano ng perang nakalaan sa gastusin ng pamilya sa tulong ng mga natutunan niya sa Family Development Session ukol sa wastong paggamit ng cash grant at pagba-budget para sa pamilya. Ang nakukuha niyang cash grant ay nakalaan para sa pambaon at pang-gastos ng mga anak sa eskwelahan. Nakakapagtabi din ng paunti-unting halaga si Suzette upang may nakahandang pera kung magkaroon man ng biglaang gastusin lalo na kung magkaproblema sa kalusugan ng sino man sa pamilya.

Nang lumaon, naging regular na din ang kanyang asawa sa trabaho nito bilang isang karpintero. Noong nakaluwag na ang pamilya ni Suzette, nagkaroon na din sila ng tirahan na kanilang nirerentahan. Nakapagpundar na din sila ng kaunting gamit tulad ng telebisyon, stereo, kalan, electric fan at refrigerator.

Naging isang parent leader din si Suzette sa kanilang barangay. Bukod dito, sya din ang cluster leader ng programa sa ilang mga barangay sa Calumpit. Ang Municipal Link na nakakasakop sa kanila ay magaganda ang nagiging feedback ukol kay Suzette. Sya ay isa sa mga masisipag na Parent Leader at naaasikaso nyang mabuti ang kaniyang mga ka-miyembro.

Taong 2015, isa si Suzette sa mga nanguna upang mabuo ang Gender-Based Violence (GBV) Watch Group sa bayan ng Calumpit. Sa pagtutulungan ng Municipal Action Team (MAT) ng naturang bayan at ng mga parent leaders, kasama na si Suzette, naging matatag ang isang people’s organization na kalaunan ay naging isang Best Practice o Convergence Initiatives ng bayan ng Calumpit. Si Suzette ay isang aktibong miyembro at isa sa mga opisyal ng grupo bilang Pubic Relations Officer (PRO). Sya ang tagapaghatid ng mga impormasyon sa kanilang mga miyembro, katuwang ng presidente sa pagpapalaganap ng adbokasiya ng grupo, maging sa pagdalo sa mga pagpupulong. Bilang isa sa mga kinikilalang best practice sa probinsya ng Bulacan, naimbitahan din si Suzette at ang ibang mga miyembro sa field validation ng DSWD Central office ukol sa 2017 DSWD PRAISE Awards kung saan nanalo ang buong probinsya.

Bukod sa pagiging aktibo sa GBV Watch Group, si Suzette ay hinirang din bilang isa sa mga Health Watchers ng munisipyo. Isa sya sa mga volunteers tuwing may medical mission sa kanilang bayan.

Sa ngayon, ipinagpapatuloy ni Suzette ang pagiging isang masipag at masigasig na Parent Leader ng Pantawid sa kanilang barangay at karatig barangay. Patuloy din nyang ikinakampanya ang mga adbokasiya ukol sa Gender-Based Violence at ukol sa Kalusugan. Makikitaan si Suzette ng pagsusumikap mapaunlad hindi lamang ang kanyang pamilya maging ang buhay ng kanyang mga kababayan sa Calumpit.

Isinulat ni: Nielady Cacanindin

This post was written by:

- who has written 73 posts on DSWD Field Office III Official Website.

He is the Regional Information Officer of DSWD Field Office III, has earned two bachelor degrees, topped the 2017 Social Work Licensure Examination, and currently pursuing a master degree in Social Work.

Contact the author

Comments are closed.

Transparency Seal

citizenzcharter

eaics_logo

philgeps

Tweets by ‎@dswdfo3


Related Sites

PHVsPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1YS5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8yPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yi5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yy5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1ZC5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9tcHVfYWRzZW5zZTwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9kaXNhYmxlPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbS9hZHMvMzAweDI1MGEuanBnPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9hZHNlbnNlPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2Rpc2FibGU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHBzOi8vZm8zLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvdXBsb2Fkcy8yMDE3LzAzL2Jhbm5lcl9mbzMucG5nPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzI8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF91cmxfMzwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRzX3JvdGF0ZTwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hbHRfc3R5bGVzaGVldDwvc3Ryb25nPiAtIGRlZmF1bHQuY3NzPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYXV0aG9yPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hdXRvX2ltZzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fY3VzdG9tX2Nzczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2N1c3RvbV9mYXZpY29uPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVhdF9lbnRyaWVzPC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgbnVtYmVyOjwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXR1cmVkX2NhdGVnb3J5PC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgY2F0ZWdvcnk6PC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVlZGJ1cm5lcl9pZDwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlZWRidXJuZXJfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZ29vZ2xlX2FuYWx5dGljczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWVfdGh1bWJfaGVpZ2h0PC9zdHJvbmc+IC0gNTc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19ob21lX3RodW1iX3dpZHRoPC9zdHJvbmc+IC0gMTAwPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29faW1hZ2Vfc2luZ2xlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19sb2dvPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cHM6Ly9mbzMuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC91cGxvYWRzLzIwMTcvMDMvcnN6X2ZpbmFsX2xvZ29fZHN3ZC5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19tYW51YWw8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vc3VwcG9ydC90aGVtZS1kb2N1bWVudGF0aW9uL2dhemV0dGUtZWRpdGlvbi88L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19yZXNpemU8L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvcnRuYW1lPC9zdHJvbmc+IC0gd29vPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd19jYXJvdXNlbDwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd192aWRlbzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2luZ2xlX2hlaWdodDwvc3Ryb25nPiAtIDE4MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3NpbmdsZV93aWR0aDwvc3Ryb25nPiAtIDI1MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RhYnM8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RoZW1lbmFtZTwvc3Ryb25nPiAtIEdhemV0dGU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb192aWRlb19jYXRlZ29yeTwvc3Ryb25nPiAtIFNlbGVjdCBhIGNhdGVnb3J5OjwvbGk+PC91bD4=