Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development Field Office III at sa paikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Bulakan, Bulacan, idinaos ang Mangrove Reforestation (Planting of Progules) sa Bulacan Mangrove Eco-Park, noong Setyembre 10-11, 2018.

Ang layunin ng Mangrove Reforestation ay alinsunod sa R.A. 9729 o mas kilala bilang Climate Change Act of 2009. Ang pagtatanim mangrove o bakawan ay nagsisilbing proteksyon laban sa kalamidad at maaring ring pagkunan ng kabuhayan ng mga mamamayan.

Nabigyan din ng oportunidad ang tatlong-daang mamamayanan ng Bulakan, Bulacan na mapabilang sa Cash for Work sa pamamagitan ng pakikilahok sa pagtatanim ng bakawan.

Ayon kay Rosanna Libao, isang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ” Nagpapasalamat po kami sa [CCAM] programang  ito [dahil] isa po kami sa mga napili para po magtanim ng mangrove at malaking tulong din po ito sa pamilya namin dahil sa [pamamagitan ng] Cash for Work, may kaakibat po itong pera na maipababaon po namin sa mga anak namin.”

Dadag pa niya “Napakalaking tulong po sa’min ang pagtatanim ng mangrove dahil ito ay ang nagsisilbing proteksyon namin sa mga alon [tuwing may bagyo.].”

Climate Change Adaption and Mitigation (CCAM) Program

Ang CCAM Program pinangungunahan ng Disaster Response Management Division (DRMD). Ito ay naglalayong tugunan ang kasalukuyang problema na dulot ng nagbabagong panahon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga proyektong nakaangkla sa Local Climate Change Action Plan ng mga lokal na pamahalaan.  Parte rin ng programa ay, ang pagbibigay ng pansamantalang hanap buhay sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng Cash for Work.

image_pdfimage_print