Si Nanay Noreen gamit-gamit ang kanyang kaalaman at makina na natanggap sa tulong ng mga programa ng DSWD.
Si Nanay Noreen gamit-gamit ang kanyang kaalaman at makina na natanggap sa tulong ng mga programa ng DSWD.

Nakakataba ng puso na malaman ang mga malaking nagagawa ng maliit na tulong na nagmumula sa Pantawid Pamilya. Kagaya na lamang ng kwento ng isang simpleng maybahay na si Noreen Galgao.

Si nanay Noreen ay isang mabuting maybahay na pinakalooban ng dalawang anak. Siya din ay aktibo sa kanilang Barangay, s’ya ay isang Parent-Leader na namumuno sa mga kasama nyang kasapi ng Pantawid Pamilya gayundin at aktibo din syang makilahok sa mga programang pangkalusugan sa kanilang lugar.

Sa pagsasaka at pamamasada ng kanyang asawa sila kumukuha ng panggastos nila sa araw-araw. Pinagkalooban sila ng tricycle ng kanyang pinsan upang kahit paano ay magkaroon sila ng mapagkakakitaan. Kung minsan ay tumatanggap din sya ng labada sa kanilang mga kapitbahay. Pilit nilang pinagkakasya ang kinikita nilang mag- asawa sa mga gastusin sa bahay— pambili ng bigas, ulam at baon ng mga anak nila sa eskwela. Ganito ang buhay nila noon, simple. Hanggang sa dumating ang magandang balita nang mapabilang sila bilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya.

Dati-rati ay pahirapan silang humanap ng pera at kung minsan ay hindi na nila alam kung saan o kanino hihiram sa tuwing may gastusin sa paaralan, ngunit sa tulong ng programa ay hindi na sila kailanman mangangamba dahil sa cash grants na pinagkakaloob sa kanila.

At dahil din sa sipag at tiyaga nilang mag-asawa, ang kanilang panganay na anak ay nakatapos na ng dalawang taong kurso sa kolehiyo, Computer Management sa College for Research and Technology at kasalukuyan ngayon ay nagtatrabaho sa isang bookshop sa bayan ng Guimba. Sa tulong ng programa ay nakapagtapos ang kanyang anak na ngayon ay unti-unti nang nakakamit ang kaniyang mga pangarap. Dagdag pa rito ay nakakatulong na din sya sa pag-aaral ng isa pa nyang kapatid na ngayon ay nasa Grade 9 na sa Triala High School.

At si nanay Noreen ay isa sa mga mapalad na mapagtapos sa kursong Dressmaking at mapagkalooban ng Hi-Speed na Sewing Machine pagkatapos ng kanilang 12-day training sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD. Sa ngayon ay tumatanggap na siya ng mga patahi sa kanilang bahay mula sa isang supplier ng mga short pants.

“Laking pasasalamat ko po sa DSWD at sa mga programang ipinapatupad nito at naging kabahagi ako at hanggang ngayon ay nakakatulong sa pag-angat ng aming buhay. Dalangin ko ay magpatuloy pa ito at lalo pang lumawak,” ani Noreen. ### (Hazel May Galolo, ML)

image_pdfimage_print