San Antonio

“Masungit po ako dati, mainitin ang ulo, marahil marami ang naiinis sa akin. Pero lahat iyon ay nagbago. Ngayon po ay mas pasensyosa na ako, at alam kong maraming nagmamahal sa akin. Sa grupo naming Pantawid ay para kaming tunay na magkakapatid,” pagmamalaki ni Maribel Bautista, 50, Parent-Leader ng Barangay Luna, San Antonio, Zambales.

Si Maribel, ang kanyang asawang si James Bautista, at kanilang tatlong mga anak ay nakatira lamang noon sa isang dampa, ni hindi niya makuhang matulog dahil punong-puno siya pangamba. Sa konting ihip lang ng hangin ay maaaring matumba ito. At, ang umagahan, tanghalian, hanggang hapunan nila ay isang tilapia. Ni hindi siya nag-iimbita ng bisita noon sa kanila.

“Ang buhay namin noon ay parang ang bahay namin noon, na anumang oras ay tila tutumba ‘pag nasagi. Pero ngayon, tulad ng bago naming bahay na aming naipatayo sa pamamagitan ng savings strategy na natutunan namin sa Family Development Session (FDS) ay konkreto na at mas matibay. Sabay-sabay na kaming nagdadasal at kumakain; hindi na rin ginagabi ng uwi ang asawa ko para uminom ng alak, nakakasama ko pa siya sa pag-attend ng FDS,” kwento ni Maribel.

Ramdam ko ang paghanga sa akin, sa amin, ng aming mga kapitbahay. Kaya naman ngayon, ni hindi na halos nawawalan ng bisita ang bahay nila. At ang mga bisita, busog na busog sa mga kwento niya ng pagbabago. Ang kadalasan niyang linya, “kung saan ka nadapa ay doon ka rin bumangon.”

Nakahanap siya ng mga bagong kapatid sa katauhan ng mga kapwa niya benepisyaryo. At isa sa pinakamasarap sa lahat, aniya, ay yung kasama ang kanilang mga asawa sa pagdalo ng FDS. Isa sa mga initiative na sinundan na kanyang mga kasamahan. ### Andyleen C. Feje)

image_pdfimage_print