USEC Medel

“Kung kayo ay advocate ng programa, dapat subaybayan ninyo ito ng parang baby. Kung hindi siya bibigyan ng gatas, kahit gaano iyan kalakas ay tiyak namamatay,” payo ni Committee Secretary Maria Lourdes Sagmit-Mendoza ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas habang kanyang tinatalakay kung paano ang Bill ay nagiging Law bilang bahagi ng tatlong araw na Training para sa mga Parent-Leader sa Cabanatuan City, Nueva Ecija noong March 30, 2016.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga piling Parent-Leader ng buong Rehiyon III. Ito ay naglalayong palakasin at ihanda ang puso at isipan ng mga Parent-Leader para sa public hearing tungo sa pagsasabatas o institutionalization ng Conditional Cash Transfer (CCT) Bill, na kilala rin sa tawag na Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

“Sa pamamagitan po at sa tulong, pagsisikap, sa awa ni Lord ay napagtagumpayan naming ang buhay naming hanggang ngayon,” pagpapatunay ni Rowena Salamat, 46, isang Pantawid grantee.

Si Rowena, sampu ng kanyang pamilya ay napiling Ikalawang Huwarang Pamilya ng buong rehiyon noong 2015. Siya ay nagtapos ng sekondarya, samantalang ang kanyang asawa ay hindi, na ngayon ay binawian na rin ng buhay. Siya ay biyuda; sila ay biniyayaan ng limang anak na ngayon ay Sokolohista, Arkitekto, Ispesyalista ng Computer, at dalawang estudyante ng elementary na parehong may karangalang banggit. Mayroon na rin silang patahian ng bag, na naipundar nila sa tulong ng grant na nakukuha nila sa Pantawid.

Ang kwento ng mga benepisyaryo ng Pantawid ay ang buhay na patunay na epektiboang programang ito ng gobyerno. Ang CCT ayon sa kanila ay mayroong tinatawag na Return of Investment (ROI), kung saan sila ay naglalayong ibalik sa gobyerno ang tubo ng pamumuhunan nito sa kanila.

Ang mga Parent-Leaders ay sumasayaw sa saliw ng Man in the Mirror—sa kanila magsisimula ang pagbabago, turan ni Sec. Mendoza.

“Sana sa paglipas ng apat na tao nang pagiging Parent-Leader ay maging institusyon, hindi lang basta batas, ‘di lang natatapos sa pagiging CCT Bill,” wika ni Usec. Angelita Y. Gregorio-Medel, Institutional Development Group Representative to the Cabinet Assistance System. ### (Andyleen C. Feje)

image_pdfimage_print