DSC_0741Ang aming pamilya ay tuloy-tuloy na bumabangon sa kahirapan. Malaking pagbabago ang dulot sa amin ng Pantawid at isa na rito ang pagtataguyod sa pag-aaral ng aming mga anak. Ang aming panganay na nakapagtapos sa kolehiyo na Magna Cum Laude ay kasalukuyang nag-aaral ng abugasya at ang isa naman ay nasa ikalawang taon na sa kolehiyo. Pinahahalagahan namin ang Pantawid kayat ang aming mga anak ay nagsisikap sa kanilang pag-aaral at nagtatamo ng karangalan sa paaralan. Bukod sa pinansyal ang programa ay nakatulong sa bawat aspeto ng aming buhay sa pamamagitan ng Family Development Session. Nagpapasalamat din kami sa mga trainings at iba pang serbisyo ng DSWD na patuloy naming tinatanggap bilang benepisyaryo ng Pantawid. Kayang-kaya namin ang pagbabago! -Marissa Lumague of Lumague family: 1st runner-up, 2015 Huwarang Pantawid Pamilya.

image_pdfimage_print