Libreng Gamot para sa Masa benefits indigent patients

Ms. Ester de Guzman of the Crisis Intervention Unit interviews Marion Cajulao, 30 years old, a kidney disease patient for six (6) years.

“Maraming salamat po sa programa ni Pangulong Duterte at madudugtungan pa ang buhay ko,” Marion Cajulao, 30 years old, kidney disease patient for six (6) years said.

Marion is just one of the 754 patients in Region III who have already benefited from the Libreng Gamot Para sa Masa (Lingap) Program implemented by the Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Marion’s father, the only breadwinner in the family, earns P250.00 a month as a security guard. “Wala na kaming pagkukuhanan ng pantustos sa medical treatment ni Marion, buti na lang at dumating ang programang Libreng Gamot Para sa Masa,” Marion’s mother said.

Lingap is a project of President Rodrigo Duterte that provides P1-billion to fund medicine assistance for indigent patients who need help to buy their medication.  It is implemented in six hospitals in Regions III, VI, VII, XI, and the National Capital Region (NCR).

In Region III, the program started on February 22, 2017, a week after the signing of the memorandum of agreement (MOA) between the DSWD and Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital (JBLMRH) on February 15, 2017.  The JBLMRH has provided an air-conditioned office space to the DSWD FO III staff implementing the program.

Per DSWD Field Office III records, a total of P9,044,659.39 has been utilized for the medicines of 754 indigent patients from February to March 2017. Of the total patients who availed of the program, 510 were family heads and other needy adults, 223 senior citizens and 21 youth. Most of the patients are suffering from chronic kidney disease, hypertension, heart problem, diabetes and cancer.

Under the program guidelines, indigents who are either confined in or receiving out-patient treatment from identified and need prescription medicines are qualified to become beneficiaries of Lingap.

Per guidelines, those who want to avail of free medicines should provide a valid ID, proof of indigency such as Barangay Certificate or Certification issued by the medical social service, and the doctor’s prescription, which should have been issued in the past three (3) months. This should indicate the date, the name of the patient, and signature of the attending physician, with his/her license number and contact details.

In case of a patient’s representative, the representative should present a valid ID and a written authorization signed by the patient.

Certified true copies must be certified by either the DSWD social worker assigned to the hospital; the office that issued the document; or the officer who signed the document. ### (Evelyn T. Manalo)

 

 




Maayos na daan, maayos na buhay

Groundbreaking ceremony. Ito ang hudyat nang pagsisimula ng proyektong pagsasayos ng baku-bako at binabahang kalsada sa Purok 6, Ilog Baliwag, Quezon, Nueva Ecija.

Labis ang tuwa ng mga taga barangay Ilog Baliwag, Quezon Nueva Ecija dahil masisimulan na ang proyektong pagsasaayos sa baku-bako at binabahang daan ng Purok 6, ani G. Avelina Dela Cruz, pinuno ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Quezon.

Sa pamamagitan ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) – National Community Driven Development (NCDDP) ng Department of Social Welfare and Development(DSWD) na naglaan ng Php3.5 milyon, ang proyekto ay maisakakatuparan na. Ito ay sa pakikipagtulungan na rin ng barangay, munisipalidad, volunteers, at National Irrigation Administration (NIA).

Ang proyekto ay naglalayong magkaroon ng maayos na daan at tutugon sa mabilis na pagbibyahe ng mga resident eng barangay.

“Hindi naging madali ang pinagdaanan upang maisakatuparan ang proyektong ito,” balik tanaw ni G. Dela Cruz. Maraming hirap na pinagdaanan bago maaprubahan ang proyekto dagdag pa rito ang hindi naging madali ang pag-iimbita sa mga volunteers na dumalo sa mga assembly noong umpisa.

Ang Barangay, Ilog Baliwag ay binubuo ng 815 households at may kabuuang populasyon na 3,546.  Ang purok 6 ay isa sa may pinakamalaking populasyon ng barangay Ilog Baliwag na may kabuuang 881 katao.

“Napakahalaga ng daang ito,” dagdag pa ni G. Dela Cruz. Ito kasi ang pangunahing daanan ng mga estudyante tungo sa kanilang paaralan na may layong isang kilometro (elementarya) at nasa kabilang barangay naman ang paaralan para sa mga estudyante sa high school. Hirap ang mga estudyante sa pagpasok tuwing umuulan at madalas ay doble ang kanilang pamasahe dahil sa maputik at lubak-lubak na daan. Dahil hirap ang mga sasakyan gaya ng jeepney at tricycle, kadalasan ay nahuhuli sa klase ang mga estudyante.

“Apektado ng sirang daan ang aming kabuhayan na karaniwan ay pagsasaka dahil sa mahabang oras na ginugugol namin sa pagbibyahe ng aming mga ang aning gulay at prutas sa palengke at mga karatig bayan,” ang sabi ng isang volunteer sa barangay. Masaya kami sa proyektong ito dahil mas gagaan na ang aming pagbibyahe, dagdag pa niya. ### (Jeffrey D. Peraliza)

 




Pagbabagong dulot ng Youth Development Session

Narito ang mga pagbabago sa buhay ng ilan sa mga high school student-beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Iram, OlongapoCity. Alamin sa kanilang pahayag kung ano ang naging magandang karanasan sa Youth Development Session (YDS) at kung paano ito nakatulong pa pag-unlad ng kanilang buhay bilang mga anak, mag-aaral at miyembro ng komunidad.




Tulong-tulong sa mas siguradong pagsulong

Si G. Guillermo Lachica, 41, benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isa sa mga National Certificate (NC II) holder ng Shielded Metal Arc Welding (SMAW) sa pamamagitan ng DSWD-Sustainable Livelihood Program at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

“As business owner, ako more on attitude talaga ang tinitingnan ko. Ang skills natututunan ‘yan pero ang attitude mahirap nang baguhin ‘yan. Ang 4Ps beneficiaries sagana ‘yan sa good attitude, dahil sa FDS (Family Development Session). Kaya plano kong mag-add at mag-hire pa ng 4Ps beneficiaries,” pagbibigay diin ni G. Lenin San Diego, 42, dating Social Welfare Assistant (SWA) sa Local Government Unit (LGU) ng Dinalupihan, Bataan at ngayon ay may-ari na ng isang Enterprise.

Nitong April 27, 2017 ay pormal na ibinigay sa 54 benepisyaryo ng Sustanaible Livelihood Program (SLP) ang kanilang negocart na may kasamang P2,000.00 bilang capital o puhunan at Department of Trade and Industry (DTI) registration at starter kit. Ito ay convergence project ng DSWD, LGU ng Dinalupihan at DTI na nagkakahalaga ng P1,080,000.00, kung saan ang bawat benepisyaryo ay may nakalaang tig P20,000.00.

Ang 54 negocarts na ito ay ginawa ng 14 na welders ng Bumbum Enterprise, at ilan sa kanila ay pawang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries: sina Tatay Guillermo “Bobby” Lachica, 41, at Tatay Francisco Duque, 49. Sila ay nabigyan ng pagkakataong mag-aral ng Shielded Metal Arc Welding (SMAW) sa pagtutulungan ng SLP at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), kung saan lahat ng mga gamit o equipment at module na kailangan ay sagot ng TESDA. Ang pondong ito ay ibinaba ng DSWD sa LGU ng Dinalupihan sa pamamagitan ng SLP-BUB (Bottom-up Budgeting). May kabuuang 130 ang nagkaroon ng pagkakataong makatapos ng naturang National Certificate (NC) II vocational course at 59 sa kanila ay benepisyaryo rin ng 4Ps. Sila ay nag-aral ng 35 araw, at dumaan sa assessment bilang pormal na pagsukat sa kanilang mga natutunan. Pagkatapos nito’y binigyan din sila ng tig-iisang welding machine.

Bilang dating SWA ng LGU Dinalupihan, isa sa mga naging tungkulin ni G. San Diego ay ang manguna sa community training at employment facilitation, kung saan isang bahagi nito ay ang social preparation para sa mga naging benepisyaryo ng SMAW. Kaya naman nakita niya kung gaano kalaki ang kahandaan nila Tatay Bobby at Francisco, pang emosyonal man, pisikal, o sa skills. Kaya naman, hindi siya nagdalawang isip na kunin sila bilang on-call welders ng kaniyang enterprise.

Si Tatay Bobby ay dating nagtitinda lamang ng petsay, o kaya nama’y kung minsa’y nagtatrabaho sa construction site, kung meron man. Sa katulad ni Tatay Bobby na hindi nakatapos ng elementarya, mahirap ang makahanap ng permanenteng trabaho. Kaya  laking tulong, aniya, nang mabigyan siya ng pagkakataong makapag-aral at makatapos ng SMAW. Nakapagpundar na sila ng sariling motor,na hulugan, na may kolong-kolong na kanilang ginagamit bilang service sa pagtitinda ng gulay. Ngayon ay at kilala na rin si Tatay Bobby na karpintero at welder, kung saan kumikita siya ng P400-500 kada araw.

“Hindi ko po naisip na magkakaroon pa ako ng pagkakataon na makapag-aral. Napakalaking tulong po ng SMAW, gumanda po ang buhay namin. Nagkaroon po kami ng pagkakataong makapagpagawa na ng sariling bahay, at hindi na namin kailangan pang makisuno sa aming mga magulang,” kwento ni Tatay Bobby.

Si Tatay Francisco nama’y tila nagkaroon, aniya, ng bagong simula at pagkakataon, dahil siya ay minsan nang nabilanggo. Ngunit sa tulong ng 4Ps kung saan siya ay naging Parent-Leader at ng SLP, nagkaroon siya ng bagong reputasyon.

“Kahit nandito ka lang sa bahay, maraming tanggap na trabaho. Maraming nagtitiwala sa’yo lalo na ‘pag alam nilang may lisensya ka–lisensya sa pagiging NC II holder ng SMAW,” bahagi ni Tatay Francisco.

Ayon kay Tatay Bobby at Tatay Francisco, napakasarap sa pakiramdam na araw-araw nilang nakikita ang mga negocarts na gawa nila na ginagamit bilang pinagkukunan pangkabuhayan ng kanilang kapwa benepisyaryo ng 4Ps.

Mayroong tatlong uri ng carts; fishball, fruits and vegetables, and fish and meat. Ilan sa mga gamit na parte ng starter kit ay kawali, strainer, tong, tray, sangkalan, kutsilyo, hasaan, cooler at timbangan.

Ang mga benepisyaryo ng naturang negocarts ay nagkaroon ng 4-day training na may kinalaman sa entrepreneurial management, bookkeeping, money management, at food and safety, sa tulong na rin ng local department offices ng LGU ng Dinalupihan at DTI. At bilang karagdagang tulong ng LGU ay binigyan din ang mga benepisyaryo ng libreng business permit para sa isang buong taon.

Ang 54 nakatanggap ng negocarts ay pawang mga benepisyaryo rin ng 4Ps. Tatlo sa mga ito ay sina: Tatay Roger Paligutan, 50; Nanay Minerva Yumul, 46; at Nanay Romana Mendiogarin, 40.

Si Tatay Roger ay isang ring solo parent na may anim (6) na anak. Ayon sa kanya, sa hirap ng kanilang buhay ay nararanasan ng kaniyang mga anak na mamulot ng mga pinaglumaang tsinelas upang magsilbing sapin sa paa ng kanilang mga anak. Hindi rin, aniya, nakakapag-aral ng tuloy-tuloy ang kaniyang mga anak, karaniwang humihinto sila sa kasunod na taon, sa kawalan na rin ng panggastos sa kanilang pag-aaral. Taong 2010 ng mapabilang ang pamilya ni Tatay Roger sa 4Ps.

“Galing po ako sa Samar, wala akong kakilala rito. Kaya naman hindi ako naniniwalang may palakasan sa gobyerno. At dahil nga po sa tulong nila ay nabibilhan ko na po ng sapatos at iba pang gamit sa paaralan ang aking mga anak, hindi na rin nila kailangan pang huminto sa pag-aaral,” kwento ni Tatay Roger.

Si Tatay Roger ay dating security guard sa isang junkshop na may kalayuan din sa kanilang tinitirhan. Dahil sa kanyang natanggap na negocart, mas pinili na niyang gamitin ito upang mas mabantayan n’ya rin ang kaniyang mga anak at matutukan ang kanilang kalusugan at edukasyon, ‘pagkat pawang lahat sila ay valedictorian, may academic honors, at masisipag mag-aral.

Si Nanay Minerva naman ay tulad rin ni Tatay Bobby na dating walang sarili bahay dahil s’ya lang din ang nakakapagtrabaho para sa kanilang pamilya sapagkat may kapansanan ang kaniyang asawa. Kaya siya ang pilit na nagtataguyod sa kanilang tatlong (3) anak sa pamamagitan ng pagtitinda ng gulay at pangungutang.
“Malaking tulong po itong bigay sa amin ng programa ng 4Ps at SLP dahil dito ay may sariling bahay na kami, kumikita ng P500.00 kada araw, at hindi na kailangan pang mangutang kung saan-saan,” bahagi ni Nanay Minerva.

Samantalang si Nanay Romana nama’y nagkaroon ng pagkakataong pag-aralin ng kolehiyo ang kaniyang panganay na anak ng Bachelor of Science in Secondary Education major in Agriculture at magtatapos na ngayong taon. Noong una’y nagdalawang isip silang pag-aralin pa ng kolehiyo ang panganay dahil na rin sa kalayuan ng paaralan ng kanilang lugar, magastos. Ngunit dahil na rin sa tulong pinansyal at FDS ay napagtanto ni Nanay Romana na napakahalagang makatapos ng pag-aral ang lahat ng kaniyang mga anak. Kaya naman nang siya ay maging Parent-Leader, ito rin ang mensaheng pilit niyang itinanim sa isipan ng kanyang mga kapwa benepisyaryo ng 4Ps.

“Dagdagan pa po natin ang ating sipag at pursigehing pag-aralin ang ating mga anak. Para sa susunod na panahon ay ‘di na tayo kailangan tulungan ng gobyerno, at tayo naman ang makatulong sa ibang tao,” ito ang iniiwang mensahe ni Nanay Romana para sa mga kapwa n’ya benepisyaryo ng 4Ps at SLP. ### (Andyleen C. Feje)

 

 

 

 

 




Government Internship Program provides jobs for youths

Ms. Ma. Elena Carreon, Regional Youth Focal Person orients the participants to the Government Internship Program before the start of their 30-day summer job in the DSWD Field Office III.

Eighty youths in Region III have started their summer job in the Department of Social Welfare and Development Field Office III under the Government Internship Program (GIP), April 17.

The screening of applicants was led by Ms. Ma. Elena Carreon, Regional Youth Focal Person. The interns have started yesterday, April 17, 2017 until they can complete 30 days, Carreon said.

The GIP, a component of the Kabataan 2000, was developed with the end goal of providing opportunity for both out of school and in school youths a hands-on experience of working in various government agencies, which they could later use when they later decide to be part of the government workforce.

The program is open to youths who are 18-25 years old preferably a member of the Pag-Asa Youth Association or youth under the Pantawid Pamilyang Pilipino Program; in-school youths preferably graduating students willing to pursue schooling; in good health condition; and the monthly income of the family shall not exceed the poverty threshold of P8,022.00.

The program is aimed to initiate the youth to public service; to enable the youth to realize their potentials, become responsible leaders and active participants to national government; and serve as a recruitment mechanism for potential public employee.

This is also in recognition of the demands for more opportunities for young people to earn to augment family income and at the same time enhancing their sense of responsibility and developing positive attitude towards work, the OSY, students and even college graduates/vocational courses will be provided summer job.

The participants are assigned in the DSWD FO III proper (25), residential care facilities (27), and DSWD Provincial Extension Offices (28) to perform not only actual office work but also assist in the implementation of DSWD programs and projects or do direct service work in communities where DSWD programs are implemented in partnership with the LGUs.

Allen Carlos, 18 years old, an intern assigned in the Office of the Field Director says, “Kung wala po ang GIP siguradong tambay lang ako. Ngayon, magkakaroon na ako ng experience sa government work at may pera pa ako na magagamit sa pasukan.” Allen who is an incoming sophomore is a member of the PYAP and Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

The GIP is implemented in the DSWD Central and Field Offices in partnership with the local government units.

The DSWD will provide the participants with a daily stipend equivalent to 75% applicable minimum wage rate in the region, which is P268.00/day in Region III. ### (Evelyn T. Manalo)

 

 




Modelong Ama ng Tahanan, ng Lipunan

“Hindi lang po ang mga anak niya ang pinag-aral niya, kundi lahat ng posible n’yang pag-araling katutubong bata,” isa lamang ito sa maraming alaala ni Norma Castillo, isang Elder sa Sitio Kinaragan, Barangay Duale, Limay, Bataan, isang komunidad ng mga katutubong Pinoy, tungkol kay Danilo “Danny” B. Salonga, ang Modelong Ama ng Pantawid Pamilya sa Gitnang Luzon.

Sa kasaysayan ng mga katutubo ay hindi prayoridad ang edukasyon, ayon na rin sa kanila, sapagkat kung hindi sila nakakatikim ng mapapait na lait mula sa kanilang kaklase ay kailangan naman nilang tumawid ng ilog at lumakad ng ilang kilometro marating lamang ang kanilang paaralan. Ngunit ang kaisipang ito ay nabasag na sa Sitio Kinaragan, sa tulong ni Bokal Danny Salonga, isang Aeta-Magbakon.

“Hindi lamang po siya mabuting ama, kundi mabuting kaibigan at lider,” ganito naman ilarawan ni Konsehala Rita Salonga, panganay na anak ni Tatay Danny.

Dalawapu’t pitong taon na Chieftain o puun ng tribong Magbukon sa kanilang lugar si Tatay Danny, at sa loob ng 27 taon na iyon, sa kabila ng kawalan ng sweldo at honorarium, ay napagtagumpayan niyang pag-aaralin ang mga anak, at mailapit ang posibilidad na makapag-aral din at magkaroon ng magandang buhay pati na ang mga kapwa niya katutubo, lalaki man o babae. Ngayon, ang bagong Chieftain ng tribo, ay isang babae, si Margarita Rosales.

Ayon kay Bokal Danny, ang pagpili ng magiging lider at ng mga miyembro ng konseho (council of elders) ay idinadaan sa isang pangkalahatang pagpupulong.  Matingkad sa kanilang isinasaalang-alang sa pagpili ng kanilang magiging pinuno ay ang kakayahan nitong pamunuan ang buong komunidad ng may pagmamalasakit sa bawat miyembro ng komunidad at nagsusulong para sa ikauunlad hindi lamang ng kanilang kabuhayan kung ‘di pari pagpapanatili ng kanilang kultura at pag-aalaga sa kanilang lupaing mana.  Sa kasalukuyan, ang kanilang konseho (council of elders) ay binubuo ng parehong mga lalaki at babae.

Nakapagpasa si Bokal Danny ng resolution, Resolution No. 95 noong July 11, 2016 na naglalayong pondohan ang pagsusukat at pagpapalabas ng mga sertipiko o titulo ng lupa ng mga katutubo (ancestral domain title) para sa mga Aeta ng probinsya ng Bataan, na nagkakahalaga ng 4.2 milyong piso. At hindi lamang natatapos doon ang lahat, sapagkat ang 20% ng neto o kita ng probinsya ng Bataan ay direktang napupunta sa samahan ng mga katutubo na may maayos na istraktura ng organisyon. At binibigyan din ng tatlong araw sa isang ligngo na makapagtinda ang mga katutubo ng kanilang tanim at ani sa palengke ng bayan ng Limay.

Ang panganay na anak ni Tatay Danny, Si Rita S. Castillo, ay isa na ngayong Konsehala ng bayan ng Limay, at tagapataguyod at kinatawan at s’yang ng boses ng mga katutubo sa kanilang bayan. At sa mas mataas na kapulungan naman, sa buong probinsya, si Tatay Danny ang Bokal ng tribong Ambala at Magbukon sa dalawang distrito ng probinsya ng Bataan; siya ay miyembrong ex officio ng Sangguniang Bayan na itinalaga ng National Commission on Population (Popcom). Sa kabila ng maraming diskriminasyon, noong una, tulad ng kawalang respeto at hindi pagsama sa kaniya sa mga pagpupulong ng mga opisyales ng probinsya, ay nanindigan at tinayuan ni Tatay Danny ang naturang posisyon, at ngayon nga siya ay mas kilala na rin sa tawag na Bokal Danny at s’yang takbuhan ng mga katutubo, Ambala man o Magbukon.

“Mahirap magkasakit at maospital kapag IP (Indigenous People) ka kasi kung wala kang kakilala sa munisipyo o kapitolyo, ‘di ka papansinin, kaya naman po napakalaking ginhawa na nandoon na sila Konsehala Rita at Bokal Danny,” bahagi ni Elder Norma.

Ang ikalawang anak, si Rea, ni Tatay Danny ay isang Nars sa isang Paaralang Pangkomunidad (Community School). Samantalang ang kanilang ikatlong anak, si Rubie Anne, ay hindi pinalad na makapagtapos ng pag-aaral at maagang nakapag-asawa, ngunit ngayon ay hiwalay na sapagkat siya’y binubugbog ng napangasawa. Dahil busog sa kaalaman tungkol sa karapatan ng kababaihan, ang mga babae sa kanilang lugar, kabilang ang kaniyang mga anak, ay kahit hindi niya inuudyukan si Rubie Ann, ay lumapit na ito sa kinauukulan upang mapag-usapan ang kanyang kalagayan. Sa kasalukuyan ay masayang naninirahan si Rubie at ang kaniyang tatlong gulang na anak sa puder nila Tatay Danny, malaya naman itong dalawin ng kanyang ama.

Ang ikaapat na anak, si Riza, nama’y matatapos na ng Bachelor of Arts in Education ngayong taon. Sina Daryl at Epra nama’y nasa sekondarya, samantalang ang kanilang bunsong anak na si Iris ay nasa ika-apat na baitang. “Hindi dapat na ganito na lamang ang mga katutubo, kailangan din naming paunlarin ang aming mga kaalaman at pag-aaral na s’yang daan para umangat kami at makatawid sa kahirapan.  Ayaw din naming maranasan pa ng aming mga anak ang hirap na dinanas—mga pagmamaliit at pangungutya sa mga sinaunang katutubo,” paliwanag ni Tatay Danny.

“Ngunit hindi lamang mga anak ni Tiyo Danny ang binubuhay niya,” kwento ni Elder Norma habang patuloy na umagos ang luha sa kanyang mga mata. Pinilit ni Tatay Danny na makisalamuha sa maraming organisasyon, dumalo sa mga training, kahit tanging pamasahe lamang ang mayroon s’ya, upang mayroon s’yang maibahagi sa mga kapwa katutubo. Sa tulong ng People’s Development Institute (PDI) at ng Department of Trade and Industry at ang ibinahaging (donated) lupa ni Tatay Nilo ay nakapagpatayo sila ng Food Processing Center sa kanilang Sitio, na siyang pangunahing pinagkakaabalahan at pinagkakakitaan din ng 20  miyembro ng Samahan ng Kababaihang Aeta sa Kinaragan (SKAK), kabilang na ang pangulo nito, ang kaniyang asawa, si Nanay Marissa Salonga. Tutol si Tatay Danny sa ideya ng pagbebenta ng kanilang lupa o ancestral domain, bahagi ng kanyang panganay, kaya naman pala’y mayroon s’yang pinaglalaanan. “Kung walang lupa’y wala na ring mga katutubo,” pagbibigay diin ni Tatay Danny.

Dahil din sa pagsusumikap at binahaging lupa ni Tatay Danny ay mayroong na silang chapel, basketball court, at paaralan na kanilang Sitio. Patuloy din ang paghahanap ni Tatay Danny ng mga magiging sponsor ng mga scholars na batang Aeta sa kanilang lugar. Hindi nakatapos ng Sekondarya si Tatay Danny, kaya naman gano’n na lamang ang kanyang pagpapahalaga sa edukasyon. “Hindi makakaahon sa kahirapan, kung walang edukasyon na tangan,” paniniwala ni Tatay Danny.

Hindi lamang sa kanyang anak at asawa kundi pati narin sa mga diskriminadong sektor ng lipunan ang pagmamalasakit ni Tatay Danny. Tunay nga siyang isang modelo—ama ng bayan, ama ng lipunan (bapa ning amak, bapa ning lipunan).

Sa kasalukuyan, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Commission on Human Rights (CHR), pinaglalaban ni Bokal Danny ang Zero Hunger Bill. At nito nga lamang January 31, 2017 sila ay nagpulong sa kongreso upang pag-usapan at mas mapaikting pa ang naturang panukala.

Naniniwala si Bokal Danny na, “ang lahat ng oportunidad at pag-unlad at dapat bukas sa lahat, lalaki man o babae, bata man o matanda, taga-patag man o taga-bundok.” Ang kanyang prinsipyong patuloy na pinanghahawakan, hanggang ngayon, ay ‘hindi dapat tumigil bagkus unti-unting sumulong ‘pagkat laging may takdang panahon’. ### (Andyleen C. Feje)

 




Sta. Maria’s Caravan of Services, a Convergence Initiative in Central Luzon

“Sa pag-unlad ng bayan, ‘di dapat naiiwan ang mamamayan.” (The growth of the town should be its people’s, as well). This is more than a sentence but rather a principle to Vice Mayor Quirino Buenaventura, of Sta. Maria, Bulacan, a former long-term barangay captain of Pulong Buhangin, one of the first barangays covered by the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), year 2011, under set three (3).

He, along with his running mate Mayor Russell Pleyton, and five (5) allied councilors won the 2016 election over the previous administration.

Last June 30, 2016, the Municipal Action Team (MAT) of Sta. Maria made a courtesy call to the newly elected officials. On that meeting, the new administration expressed their disappointment to 4Ps, for they believe that it was used during the election period, and so added that they are against the program.

Struggling to build a rapport, the MAT conducted an orientation on DSWD programs along with the presentation of the Social Welfare and Development Indicators (SWDI) results, during a Sangguniang Bayan (SB) session, last July 19, 2016. The orientation won over the full support of the new administration for they have seen the amount of investment of DSWD Field Office (FO) and the accomplishment of the MAT to address the SWDI gaps.

What caught the LGU’s concern is the alarming figures of the total of 1,328 beneficiaries who do not possess occupational skills (or has work experience of less than two months), and 2,403 beneficiaries who possess occupational skills but not recognized by appropriate authorities (or has work experience of less than 2-5 months; and the 90 households who did not avail at all the health services offered in the barangay for the past six (6) months. These then became the entry point of the invention of the LGU and MAT of Sta. Maria.

Vice Mayor Buenaventura then made it known that the local government unit (LGU) is willing to fund the programs and services that are bound to improve the socio-economic status of the 4Ps beneficiaries. Since most of the DSWD’s programs are similar to the social protection programs of the LGU, they decided to streamline them for 4Ps and provide fund augmentation to address the SWDI gaps. The commitment was formalized with the release of the Executive Order (EO) No. 2016-021 or the creation of the Municipal Action Committee (MAC) and Municipal Grievance Redress Committee (MGRC), and SB Resolution No. 2016-065, which states to “adapt the Municipal Action Plan (MAP) under Pantawid Pamilyang Pilipino Program.”

With this endeavour, the LGU started to co-own the program and the MAT is always included in the municipal planning workshops/ sessions, annual investment planning, the compositions of the Executive Legislative Agenda (ELA), and the Comprehensive Development Plan (CDP) for 2016-2019 prioritizing the projects that will further address the SWDI gaps. The SWDI results is then always used and shared. The MAT then secured to provide all the municipal departments with proper data, for what the municipality had in hand is only data projections. Moreover, to further secure the efficiency of the delivery of 4Ps-related services in the municipality, the MAT was provided with a conducive working space to accommodate 14 Inter-Convergence Municipal Action Team (ICMAT) members and their clients. The municipality even provided them with four (4) LGU Links counterpart under cost of service funded through LGU. Aside from the salaries for the Local Links, the LGU also allotted additional P500, 000.00 financial aids for 4Ps in support of their social welfare and development aims.

As the result of the convergence effort of the MAT and LGU, there are: 230 beneficiaries who underwent the Sugar Concentrate and Fermentation Training with additional 3 days training on Entrepreneurial Management; 40 beneficiaries who gained a Negosyo cart; 55 beneficiaries who acquired a sari-sari store, and 440 beneficiaries who underwent the social preparation for their Sustainable Livelihood Program (SLP), with the assistance of the municipal Public Employment Service Office (PESO), which was awarded last December 13, 2016 as the third best among all the PESOs in Region III; and 100 beneficiaries who have undergone a livelihood training on pudding and cheesecake making, sponsored by Polytechnic University of the Philippines (PUP) Sta. Maria. The SLP BULAC group in Sta. Maria, Bulacan was awarded as the Regional Best SLP group because of the success of their project.

A total of 175 parent leaders were oriented by the Social Security System (SSS) and introduced to its Alkansya program. Parent Leaders of the municipality are viewed as empowered men and women, for they were the first to conduct an Active Citizenship Forum on Institutionalization of Pantawid Pamilya, which was even attended by Congress Women Linabelle Villarica, 4th District Representative.

In addition, beneficiaries of Barangay Pulong Buhangin, Sta. Maria were taught of Financial Literacy last June 10, 2016 by Cebuana Lhuiller under its Nego-Serye project. Also, a total of 341 children together with their mothers were checked up and were able to receive free medicines, sponsored by Generika Drug Store. Sta. Maria was also visited by the National Program Management Office last September 1, 2016, to serve as the model for the additional gardening requirements of 4Ps conditionalities, for they had already established a bio-intensive gardening also known as the Food Always In The Home (FAITH) program, through the technical assistance and free seeds bestowed by the Municipal Agricultural Office (MAO). Alongside with the FAITH program is the cooking demonstration during the Family Development Session (FDS) which aims to offer the 4Ps members innovative recipes of vegetables and affordable organic ingredients.

But among these convergence efforts, the most hailed upon by the target beneficiaries is the Caravan of Services which was celebrated last October 7, 2016; 20 employer/ private companies were invited, and 75% of the 600 beneficiaries who participated in the said event are now already employed. Also, during the event, the Generika Drug Store offered free consultation on breast problems, dental problems, minor surgery and major surgery of which all expenses are shouldered by the Local Government Unit, and the Philippine Health Insurance Corporation provided free services such as updating of Member’s Data Record, Correction of Information and Registration to the program. About 4,882 4Ps families are currently served by PhilHealth. This Caravan of Services is now an annual project of the municipality; for 2017, it will be celebrated on April.

In addition, to cater these 4Ps families and provide them with accessible health care services, especially those who are in a far flung area and does not have a Rural Health Unit in their area, a mobile clinic was maintained by the LGU. This air-conditioned mobile clinic is equipped with necessary medicinal tool provides free health services such as X-ray, Blood Chemistry, Electrocardiogram (ECG), and Ultrasound. The mobile clinic resulted to an increase of 7% on health compliance, from 90% to 97%.

As for education-related concerns, the Department of Education (DepEd) personnel assigned in the municipality were further encouraged to combat illiteracy. The MAT also provided them with Supply Side Assessment (SSA) data. As a result of their combined effort, the compliance rate in education grew from 90% to 95%. Furthermore, a project called Mobile Paaralan which aims to visit every area of Sta. Maria and teach children with basic knowledge on computer and improve their reading skills, is about to surface, within the year.

The strong ties between the LGU and the MAT resulted to sustainable and effective delivery of programs and services in Sta. Maria, Bulacan, which boils down to the slogan of the municipality, that is, “Kaunlaran ng Sta. Maria, nasa mamayang nagkakaisa” (The success of Sta. Maria lies on its united people).

Hence, the convergence initiatives of LGU and MAT then are services and programs that break the stereotype Philippine social system, for they are non-fragmented, coordinated, concise, and non-overlapping.

Up to date, according to Ms. Fortunata A. Lorenzo, the Municipal Planning Development Coordinator (MPDC), they are planning to conduct a Community-based Monitoring System (CBMS), or a house-to-house data gathering, this coming summer of 2017, and cross match it with the existing SWDI data, to identify what has been done and still needs to be done, for the betterment of the beneficiaries in Sta Maria, Bulacan. ### (Andyleen C. Feje)

 




Ipagpamunla ng Edukasyon Ang Mga Bata

Basahin ang kwento ni Parent-Leader Dremelie A. Jandoc, 41, IP-Bago, mula sa Sitio Casa Reyal, Barangay San Isidro, Laur, Nueva Ecija.

“Kahit anong sipag natin, kahit magbungkal tayo ng lupa buong maghapon, ay balewala, kung hindi natin pag-aaralin ang ating mga anak. Napakahalagang punla ng edukasyon para sa mas mabungang kinabukasan ng ating mga anak,” ito ang tinatayuang prinsipyo ni PL Dremelie, na kanya rin patuloy na  ibinabahagi sa 25 pang pamilya, bukod sa kanila, na pinamumunuan niya.

Sa ilalim ng programang Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) ay pinili, ng kanya na ring mga tiga-komunidad, si Nanay Dremelie upang maging Parent-Leader ng kanilang Sitio.

Isang malaking pagsubok ito para kay Nanay Dremelie, hindi dahil sa wala siyang sapat na karanasan sa pamumuno o hindi dahil sa siya ay isang babae, kundi dahil sa kanilang komunidad ay mapakarami o napakalaking isyu ng paksyon.

Sa kanilang sitio ay halo-halo ang mga tribo, may mga Igorot (Ibaloy at Kankanaey), Bago, at Kalanguya. Ang kailangang mamuno o hahawak sa Sitio Casa Reyal ay may pusong handang umintindi sa pagkakaiba ng bawat isa—ng kanilang mga kalakasan pati na rin kahinaan, ito ang paniniwala ng buong komunidad.

“Dapat sa pamumuno ay maging agresibong lider, agresibo sa puntong ikaw ay tunay na matatag—matatag para itama ang mga mali ng iyong kasama at bigyan sila ng mas malakas pang boses upang maiparating ang kanilang mga hinaing at suhestiyon sa kinauukulan,” pagbibigay diin ni PL Dremelie.

Sa kulturang katutubo ay laging nakakabit ang maling kaisipan na sila ay pasaway at mahilig magsugal. Bagama’t aminado si PL Dremelie na noon siya rin ay lulong sa pagsusugal, matagal na niya itong tinalikuran, at ngayo’y patuloy n’ya pa ring niyayakag palayo ang natitirang isang (1) porsyento ng kaniyang miyembro sa kanilang masasamang bisyo. Para sa mga miyembro ni PL Dremelie, matatagpuan sa kaniya ang core values (mahalagang pag-uugali) ng DSWD—‘pagkat siya ay maagap, mapagkalinga, at higit sa lahat ay may malasakit.

Sa kasalukuyan, 22 na sa miyembro ni PL Dremelie ang nakatanggap ng alagang kalabaw sa ilalim ng Suport Services Intervention (SSI) project ng MCCT. Ito ay magagamit nila bilang kasama sa pag-aararo at paghahakot mula sa bukid, dahil inabot din ng 400 piso kada araw ang bayad sa upa ng kalabaw. Malaking tipid at tulong, anila. Sa Sitio Casa Reyal ay uso ang pagtatanim ng kamote, palay, at mais sa paanan ng bundok, sa kanilang mga lupang minana (o ancestral domain) na ngayo’y inaayos ang Certificate of Title Land Registry (CTLR) sa tulong na rin ng Department of Agrarian Reform (DAR) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Hiling naman nila ngayo’y magkaroon na ng sementado at konkretong daan papasok na kanilang Sitio, ‘pagkat madalas itong lubog ng hanggang bewang na tubig tuwing mga buwan ng Agosto hanggang Nobyembre, dahil na rin sa tatlong malalaking sapa na nakapalibot rito. Dagdag pa rito ay nais din nilang magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan tulad ng pag-aalaga ng kambing at baboy.

“Nais naming paunlarin ang komunidad, ng hindi sinasakrispisyo ang aming kultura, para sa susunod na henerasyon ng mga katutubo,” bahagi ni PL Dremelie. ### (Andyleen C. Feje)