Barangay Action Team, kaantabay ng mga benepisyaryo 4Ps ng Luis

Barangay Action Team, isang organisadong grupo na nakatutok at sumusubabay sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Nabuo ang Barangay Action Team (BAT) taong 2016, matapos magpresenta ng resulta ng 2015 Social Welfare and Development Indicators (SWDI) ang Municipal Action Team (MAT) ng San Luis, Aurora sa Municipal Advisory Committee (MAC) meeting kung saan naroroon ang bagong Punong Bayan, na si Kgg. Mariano C. Tangson. ”Bakit hindi natin ito ibaba sa barangay,” suhestiyon niya.

“Karamihan sa pangangailangan ng Pantawid beneficiaries ay nasa regular programs naman ng local government ng San Luis, kaya sa tulong ng mga datos, alam na namin kung sino ang dapat bigyang prayoridad,” bahagi ni Gng. Hiyasmin S. Mendoza, Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) ng San Luis, Aurora. Ayon sa kanya, ito ang kanilang nakita matapos magkaroon ng participatory analysis workshop sa 18 mga barangay ng San Luis, na naglalayong magkalap ng tamang datos mula sa tamang tao tungo sa mas tamang pagbibigay tugon. Ang resulta ng naturang re-validation ng SWDI gaps ay ipinresinta ng MAT ng bawat barangay ng San Luis. Ang BAT ay hango sa konsepto ng community organizing saan ang ginagamit ay interbensyong nakasentro sa tao; kasangkot ang lahat Barangay Local Goverment Unit (BLGU) at mismong ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (o 4Ps) sa San Luis, sa pagtukoy at proseso ng paresolba ng mga suliraning kanilang kinakaharap.

Nagsisilbing kabalikat ng 4Ps ang BAT lalong lalo na sa pagreresoba ng suliraning panlipunan (social adequacy) tulad ng mga suliraning pang-kalusugan at pang edukasyon. Ilan sa mga nabigyang tulong ay sina Nanay Vilma Asne, 39, isang solo-parent, at miyembro ng 4Ps na nabigyan ng sanitary toilet, mula sa Barangay Bacong. Ayon sa kanya, dati’y yero o plastic bowl, de buhos, na nakadikit sa lupa ang kanilang gamit-gamit, hindi mabuti sa kalusugan; at si Nanay Leamor Suson, 41, benepisyaryo ng 4Ps sa Barangay Tres, at isa mga napakabitan ng kuryente.

“May nag-aaral po akong anak, kaya napakalaking tulong ng libreng pagpapakabit ng ilaw sa aming tahanan, hindi n’ya na po kailangang umasa sa liwanag ng gasera o makidayo sa ibang bahay para lang makapagreview. Kung dati po nasa top five (5) lang s’ya, ngayon, s’ya na mismo ang top one (1) ng klase,” bahagi ni Nanay Leamor. “Ala-sais ng hapon hanggang alas otse, pagkatapos kumain, papatayin na namin ang gasera,” kwento niya. May kamahalan ang inaabot ng pagkakabit ng kuryente, humigit kumulang limang libong piso (Php5,000.00) lalo na kung tulad ni Nanay Leamor na may kalayuan ang bahay sa sentro.

Ang bawat Barangay Action Team (BAT) ay binubuo ng Punong Barangay bilang Pangulo; Municipal Link ng naturang area bilang Ikalawang Pangulo; lahat ng mga kagawad, Municipal Health Office (MHO) Midwife, Sanitary Inspector, Barangay Nutrition Scholar, Barangay Health Worker, Hepe ng Tanod, at representabi ng Parent Leaders, Indigenous People (IP), mga guro, at iba’t organisation tulad ng Senior Citizens at Farmers’ Association, na mayroon sa barangay, bilang mga miyembro.

Ayon kay Kgg. Tangson, ang SWDI gaps ay hamon para sa mga pinuno ng barangay at bayan, kung paano nga ba wastong matutugunan ang mga suliraning kinakaharap ng mga residente ng San Luis, lalong lalo na ang nasa mahirap na sektor, kabilang na ang miyembro ng 4Ps.

Nitong nakaraang ika-22 Nobyembre, 2016, ay naapruhan ang Resolusyon Bilang 89 (Resolution Adopting the Municipal Action Plan [MAP] developed by the Municipal Action Committee (MAC) of San Luis in relation to the implementation of Pantawid Pamilyang Pilipino Program [4Ps] by including the implementation of the plan in the Executive-Legislative Agenda (ELA) and/ Annual Investment Plan (AIP) of the municipality). Nagkaroon din ng resolusyon sa bawat barangay kaugnay sa pagbuo ng kumite at gawain ng BAT. At nasa agenda ngayong taon, 2017, ng MAC na bigyan ito ng Sangguniang Bayan (SB) Resolution ang BAT, nang sa gayo’y kahit matapos man ang termino ng punong bayan ay maiiwan pa rin ang kaniyang programang sinimulan, para sa tao. ### (Andyleen C. Feje)




Simulan ang Pagpapaunlad sa Bawat Tahanan

“Kung anu-ano ang binibigay nating opportunities sa mga 4Ps beneficiaries pero baka kaya hindi nagbubunga ay dahil mahina ang relasyon at pagtutulungan sa tahanan,” ganito ilarawan ni G. Christian Cebrecus, Project Development Officer (PDO) II ng Quezon, Nueva Ecija, kung pa’no nabuo ang konsepto ng proyektong Couple’s Day Off sa naturang bayan.

Ang Couple’s Day Off ay dalawang araw na programa na naglalayong magpalakas, magpatibay, at magpatatag ng samahan ng mga mag-asawang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, sa pagtutulungan ng SLP PDO, Municipal Action Team (MAT), at Local Government Unit (LGU) ng Quezon, Nueva Ecija. Ang SLP PDO at Municipal Links (MLs) ay abala sa pagbuo ng programa at mga aktibidad samantalang lahat ng suporta pagdating sa logistics at sagot naman ng LGU. Ang mga napiling mag-asawa ay dadaan sa ilang serye ng aktibidad na muling magbabalik ng init at tamis ng kanilang pagsasamahan, pagsulat at pagbasa ng love letter sa ilaw ng bonfire, panunuod ng pelikula, at renewal of vows o muling pagpapakasal.

Napakasayang karanasan ito para sa mga mag-asawang mahihirap na hindi naman naranasan makapag-date ng madalas, at ikinasal sa Huess lamang, tulad ni Nanay Ivonne Delos Santos, 48, at Tatay Felipe Delos Santos, 51. “Malaki pong kaluwagan sa dibdib na masali kami sa Couple’s Day Off, dahil madalas ko kaming mag-away dahil madalas wala ako sa bahay dahil ako po’y Parent-Leader at Community Volunteer ng Kalahi-CIDSS [Kapit-bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services],” kwento ni Nanay Ivonne. Tuwing uuwi si Tatay trabaho ay hindi niya naaabutan sa bahay si Nanay Ivonne dahil madalas meron silang pagpupulong sa 4Ps at Kalahi-CIDSS, at madalas ay walang pang naihandang hapunan si Nanay Ivonne dahil kung minsa’y maghapon ang aktibidades sa mga naturang programa. Madalas itong pagmulan ng kanilang away na mag-asawa. Ito ay binigyang solusyon ng Couples’ Day Off, anila, mas lumawak ang kanilang pang-unawa, sa pinagdadaanan ng bawat isa. Parte ng Couple’s Day Off ay counselling na pinangungunahan ng mga naimbitahan registered social workers at religious leaders.

“Ngayon po, ‘pag darating ako ng hapon at wala pa s’ya at wala pa ring sinaing ay ako na po ang nagluluto,” kwento ni Tatay Felipe.

Sa kasalukuyan mayroon ng kabuuang 61 na mag-asawang ang nakabahagi sa Couple’s Day Off, 37 sa kanila ay sa naunang batch na ginanap noong Pebrero 2016, at ang 24 ay nitong Marso taong 2017. Upang mas mapaigting pa ang samahan ng buong pamilya, ay plano ngayon SLP, MAT ng 4Ps, at LGU ng Quezon na magkaroon ng Youth Camp sa darating na Junyo, kung saan pagiigtingin ang samahan ng kabataan sa kanilang mga magulang, isang anak at nanay o tatay.

Ayon kay Gng. Avelina Dela Cruz, Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) ng Quezon, Nueva Ecija ay isa sa mga nais tutukan ng lokal na administrayon ngayon ay ang mas pagpapatag pa sa bawat pamilya ng mga tiga-Quezon, tungo sa pag-unlad. “Kung magkakawatak-watak ang pamilya, doon na papasok ang maraming problema. Kaya napakagandang proyekto nito, at mapakasaya rin. Maging kami ay nag-eenjoy habang pinapakinggan at pinapanuod namin sila.,” dagdag niya. Ayon din sa kanya, kung noong unang araw na dumating ang ibang mag-asawa parang ilang pa sa isa’t isa, madalas magkalayo, sa kanilang pag-alis at pag-uwi sila’y sweet na sweet na at magkahawak pa ng kamay. ### (Andyleen C. Feje)




Ilang Pahina sa Kwento ng Buhay ni Titser Edmar

“Masayang tawanan ang mga bagay na minsan mong kinatakutan,” gamit ang mga salita ng manunulat na si Eros Atalia, ganito ilarawan ni Edmar C. Tigulo, 22, isang dating Students Grant-in-Aid for Poverty Alleviation (SGP-PA) iskolar ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o (4Ps), ang kanyang kasaluyang pakiramdam.

Ang minsa’y isang mag-aaral ng Central Luzon State University (CLSU) na natakot na hindi makapagtapos ng pag-aaral ay s’ya ngayong isa sa mga abala sa panghihikayat sa mga mag-aaral ng Exequiel R. Lina High School na magsumikap na makapagtapos ng pag-aaral. “Sabi ko sa mga estudyante ko, mag-aral lang kayong mabuti, gawin n’yo ang part ninyo. Kapag nakita ng D’yos na ginawa mo ang best mo, ibi-bless ka n’ya–darating ang bagay na ‘di mo inaasahan,” bahagi ni Edmar.

Isa sa mga tinutukoy na ‘di inaasahang biyayang ito ni Titser Edmar ay ang pagdating ng SGP-PA, isang partnership-program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Higher Education (CHED), Department of Budget and Management (DBM), Department of Labor and Employment (DOLE), at Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUCs) na naglalayong magbigay ng suporta sa mga kolehiyong benepisyaryo ng 4Ps sa pamamagitan ng pagbibigay tulong pinansyal na nagkakahalaga ng Php60,000.00 kada taon o Php30,000.00 kada semestre bilang pangtustos sa kanilang tuition at miscellaneous fee, pambili ng libro at iba pang learning materials, at stipend (kasama na ang lodging, clothing, transportation, health/medical needs, basic school supplies and other related costs).

Dating nakatira sa dormitory si Edmar, kung saan hindi maiwasang araw-araw siyang mawalan ng sabon at iba pang gamit, kaya nasasakripisyo madalas ang pambili niya ng pagkain. Madalas din ay nagtityaga na lang siyang mag-type ng kulang sampung pahinang reaction paper, mula sa kanilang bahay hanggang makarating siya ng paaralan, gamit ang kanyang hindi naman ganoon ka-hitech na cellphone upang mas makatipid pa ng gastos pambayad sa computer cafe, dahil wala naman siyang sariling laptop o computer. Sapat lang sa kanyang pagkain at pamasahe ang kayang ibigay ng kanyang mga magulang, kaya naman hirap si Edmar isingit ang mga iba pang gastos sa paaralan tulad nito.

Ang kanyang ama ay isang magsasaka na sumasaydlayn bilang security guard at janitor ng isang paaralan samantalang ang kanyang ina nama’y madalas sumasaydlayn lamang na magtinda ng kakanin. Kadalasan nga’y kinukulang ng ilang piso ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang tahanan, tuwing matatapos ang linggo. “Hiyang hiya po ako sa sarili ko, kulang ng piso yung pamasahe ko. Tinitignan ako ng driver. Masakit po sa akin ‘yun, naawa po ako sa sarili ko at naitanong sa aking ina, ‘nay ganito nalang ba tayo,” gunita ni Titser Edmar.
Ilan lamang ito sa marami pang karanasan ni Edmar sa kolehiyo na nagpapatunay lamang ng palasak man na kasabihang ‘hindi birong mag-aral at magpaaral ng kolehiyo.’ Isa itong malaking pagsubok sa katatagan ng mag-aaral at ng kanyang pamilyang, na dapat ay nakaantabay sa kanya. “Kapag po umuuwi ako noon sa amin, tuwing biyernes, sinabi po ng nanay ko ‘ayan na naman si hakot-hakot,’ bansag sa akin dahil kapag umuuwi ako ng biyernes at bumalik sa paaralan ng linggo’y kailangan may dala-dala ng allowance,” natatawang ikunuwento ni Titser Ed.

Kaya naman laking pasasalamat nila sa pagdating ng SGP-PA, na s’yang naging kaagapay nila sa pagpapatapos sa kanya ng kolehiyo. Kaya naman ngayon, si Titser Ed ay isang proud iskolar. “Nakaka-proud isipin, na ang isang magsasaka ay makakapagpatapos ng Titser, English major pa,” dagdag pa niya. Si Titser Edmar ay panganay sa kanilang apat (4) na magkakapatid at siya rin ang unang nakatapos ng kolehiyo sa kanilang pamilya, sa poder ng kaniyang ama, kaya naman s’ya ngayo’y nagsisilbing inspirasyon, hindi lang sa kaniyang pamilya, maging sa iba pang mag-aaral sa kanilang bayan.

“Mula grade one hanggang high school ay laging isa si Edmar sa mga nangunguna sa klase, makakakitaan mo ng sariling sikap. At ngayon, kahit siya ay guro na rin ay hindi pa rin siya nagbabago, hindi nakakalimot. Napakamagalang ng batang iyan. Kaya maswerte ang aming paaralan,” bahagi ni Gng. Bernarda Agustin, 51, dating naging guro ni Edmar ng siya ay nasa elementarya pa lamang at ngayo’y kaniya nang co-teacher.

Sa kasalukuyan, si Titser Edmar naman ang may iskolar, siya mismo, na ngayo’y nag-aaral ng Master’s in Education, at ang sumunod sa kanyang kapatid na noo’y kailangan pang maghinto ng dalawang taon sa pag-aaral, ngayo’y kumukuha na ng Bachelor of Science in Criminology.

“Sa buhay ng tao, darating yung pagkakataon na madadapa ka, mawawalan ka nang pag-asa pero hindi mo makikita yung ganda ng isang bagay, ng isang lugar. Kailangan nating magpatuloy sa buhay dahil kung hihinto ka ay hindi mo makikita na mas maganda pa pala ang mga susunod na pahina. I’m challenging them na tapusin ang kanilang pag-aaral, at magsilbi ring inspirasyon sa iba ang kanilang mga istorya,” ito ang nais iwanang mga kataga ni Titser Edmar sa mga kasalukuyan at papausbong pang iskolar ng bayan.




Sa Pagtawid ng mga Iskolar ng Purok, Iskolar ng Bayan, sa Kaunlaran

“Ang mga bata ay may mga pangangailangan na mismong ang mga magulang ay nahihirapan na tugunan. Kaya ninais naming magkaroon ng isang programa upang matulungan sila sa kanilang gastusin sa paaralan,” bahagi ni Dr. Annie Michelle Laurzano, Punong Guro ng Iba High School na s’yang nagpasimula ng proyektong Kapurok ko, Iskolar ko.

Ang Kapurok ko, Iskolar ko ay naglalayong magbigay ng supporta sa mga mahuhusay at masisipag ngunit kapos sa pinansyal na supportang mga mag-aaral ng Iba High School, sa pamamagitan ng pag sagot sa kanilang taunang binabayarang voluntary contribution tulad ng boy scout, red cross fee, at Parents-Teachers Association (PTA) fee na minsa’y umaabot ng Php595.00, at pagbibigay ng Php100 stipend o panggastos sa kanilang iba pang pangagailangan sa paaralan.

Ang pondo para scholarship program na ito ay nanggagaling sa mga opisyal ng Barangay Iba. Sa pagsisimula ng programa, taong 2014, ay mayroon tig-iisang iskolars ang pitong (7) kagawad samantalang dalawa (2) naman kay Kapitan, na nangagaling mismo sa kanilang sariling bulsa. Nang sumunod na taon, 2016, ay nadoble ang iskolar ng bawat isang kagawad, at tatlo (3) naman kay Kapitan.

Ang mga iskolar ay pinipili sa pamamagitan ng delibirasyon sa pagitan ng Punong guro at advisers ng bawat klase, sa gabay na rin ng Memorandum of Agreement na pirmado ng Department of Education (DepEd) Regional Office. Ang mga napiling iskolar ay dapat mayroong average grade na hindi bababa sa 80% at ang bilang ng pagliban sa eskwelahan ay hindi bababa sa 15% ng kabuuang bilang nga school days sa buong taon.

Dahil na rin sa kagandahan ng programa, ito ay nanganak pa ng ilang mga programa tulad ng Support Project Diploma na naglalayon namang bigyang prayoridad ang mga estudyante nasa huling baytang na ng sekondarya at Kabayan Ko, Iskolar Ko na nagbibigay din tsansa sa mga estudyanteng hindi nakatira naman sa mga karatig na barangay ng Iba.

“Napakalaking tulong po nitong scholarship program sapagakat kadalasan po ng mga estudyante kadalasan tinatamad na pong pumasok kasi wala silang pamasahe at malayo ang kanilang bahay. Tulad po ako noon minsan hindi ako nakakapasok ng dalawang araw sa isang linggo,” kwento ni Midori Alfonso, benepisyaryo ng 4Ps at Kabayan Ko, Iskolar Ko, mula sa Barangay Sula.

Bilang karagdagang tugon sa kaso ng mga drop outs sa paaralan ay nagdagdag pa ng scholarship program ang paaralan na naglalayong magbigay ng libreng sakay sa jeep man o tricycle ng iba pang mapipiling estudyanteng ang bahay ay dalawa (2) hanggang tatlong (3) kilometro ang layo ng bahay sa paaralan, sa tulong na rin ng asosasyo ng jeepney at tricycle. Ang bawat iskolars ng Free Ride (Basta Iskolar Libre) ay may identification card o ID na kanilang ipapakita sa jeepney o tricycle drivers.

“Sa kasalukuyan, ang Iba TODA [Tricycle Driver Operators Association] ay mayroong 26 active drivers na nagsasakay ng isang iskolar sa bawat isang byahe, araw-araw,” bahagi ni Kgg. Kilson Capitolo, na s’ya ring president ng Iba TODA.

Ang bayan ng San Jose ay ang pinakamalaking munisipyo sa buong probinsya ng Tarlac, ito ay may napaka-liblib, ayon kay G. Elmer Q. Halili, ang Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) ng San Jose, Tarlac. “Kaya naman po napakalaking tulong po ng scholarship programs tulad ng libreng sakay sa jeep at motor para sa atin mga estudyante dito sa bayan ng San Jose dahil maraming barangay ang may kalayuan sa paaralan, mayroon ngang isang barangay na kailangang tumawid ng 27 ilog para lang marating ang mga bata sa paaralan,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 31 iskolar ang Kapurok Ko, Iskolar ko, walo (8) rito ay benepisyaryo ng 4Ps, ayon na rin sa rekomendasyon ng Municipal Inter-Agency Committee (MIAC) ng San Jose, at mayroon namang 22 iskolar ng Free Ride. At, sa tulong na rin ng Continuous Improvement Team (CIT) na binubuo ng buong kaguruan ng Iba High School ay nakabuo rin ng ibang programa na tulad ng Malunggay Pulburon, isang Income Generating Project (IGP) na naglalayong matulong ang iba pang mag-aaral na magkaroon ng extra income sa pamamagitan ng paggawa ng masustansyang uri ng delicacy, at Eco Garden, na naglalayong magbigay ng pagkakataon para sa lahat ng estudyante upang magkaroon ng lugar na mapagtataniman at pagpapalakihan ng mga gulay na maaari nilang itinda o magsilbing ulam sa tahanan.

“Sabi ko nga sa mga kagawad at mga guro, sa isang batang mapapagraduate natin, buong pamilya, ang nagpapasalamat,” pagtatapos ni Dr. Laurzano. ### (Andyleen C. Feje)




More indigent patients avail of free medicine assistance

Ms. Ester De Guzman of the Crisis Intervention (CIU) assesses the supporting documents of an applicant of Lingap Para sa Masa Program.

Some 2,584 patients from Central Luzon have availed of free medicine assistance from the Department of Social Welfare and Development Field Office III (DSWD).

As of June 9, 2017, a total of P26,383,329.10 has been released for the medicine requirements of these patients under the  the Libreng Gamot Para Sa Masa (Lingap Sa Masa) program, said Ms. Rosario Cebricus, head of the Crisis Intervention Unit.

Lingap is a project of President Rodrigo Duterte that provides P1-billion funds for the medicine assistance to indigent patients who need help to buy their medication.  The program started in March this year.

In Central Luzon, DSWD Field Office III implements the program in partnership with the Jose B. Lingad Memorial General Hospital in the City of San Fernando, Pampanga.

Those who may avail of the program are the following: families or individuals who are indigent, vulnerable or disadvantaged; those in the informal sector and poor based on DSWD Listahanan; those who are in crisis situation based on assessment of social workers; employees and contract of service workers of government in crisis situation; and dependents of soldiers and police officers killed or wounded in line of duty.

Under the program guidelines, indigents who are either confined in or receiving out-patient treatment from identified and need prescription medicines are qualified to become beneficiaries of Lingap.

Per guidelines, those who want to avail of free medicines should provide a valid ID, proof of indigency such as Barangay Certificate or Certification issued by the medical social service, and the doctor’s prescription, which should have been issued in the past three (3) months. This should indicate the date, the name of the patient, and signature of the attending physician, with his/her license number and contact details.

In case of a patient’s representative, the representative should present a valid ID and a written authorization signed by the patient.

Certified true copies must be certified by either the DSWD social worker assigned to the hospital; the office that issued the document; or the officer who signed the document. ### (Evelyn T. Manalo)

 




Centenarian Cash Incentives benefit 342 centenarians in Region III

Three hundred forty two centenarians in Region III were among the 2,992 centenarians in the country who benefit from the Centenarian Cash Incentives of P100,000 of the national government.

To date, 220 centenarians in the seven (7) provinces of the region have already received their Centenarian Cash Incentive. The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office III, in coordination with the concerned local government units (LGUs) led the payout and even used the door to door scheme as mode of payment to some centenarians who could no longer travel, bedridden or in the hospital.

The DSWD Central Office has provided the funding and the payout is continuously being undertaken to reach the 100% payout.

Section 2 of Republic Act 10868 or the “Centenarians Act of 2016” stated, all Filipinos who reach the age of one hundred years old, whether residing in the Philippines or abroad, shall be honored with a Letter of Felicitation from the President of the Philippines congratulating the celebrant for his or her longevity; and a centenarian gift in the amount of ₱100,000.

Moreover, the centenarians will receive a plaque of recognition and cash incentive from their respective city or municipal governments in appropriate ceremonies. The amount of the additional incentive shall be determined by the LGU concerned.

In the Province of Tarlac, centenarians were awarded P100,000 cash incentives each by virtue of Sangguniang Panlalawigan Ordinance No. 001-2016 or the Tarlaqueno Centenarian Ordinance of 2016. The said Ordinance also entitles a centenarian another P25,000 in his/her next birthday/s.

One of the beneficiaries, a survivor of World War II, expressed his thanks to the government. He said that the cash incentive is of great help in his medications and daily food subsistence.

Under the law, the awards and incentives are given to the centenarians on the first Sunday of October, declared as the National Respect for Centenarians Day (NRCD) in line with the Elderly Filipino Week celebration.

However, considering the age of the centenarians, the DSWD will release the cash gift to the identified beneficiaries earlier.

Centenarians who died upon the effectivity of the law will be given a posthumous plaque of recognition together with the cash incentive to be received by their nearest surviving relative or family.

To avail of the cash incentive, a centenarian must present his or her birth certificate or Philippine passport for those living overseas. If said documents are not available, the centenarian may present his or her senior citizen’s identification (ID) card or any other Philippine government-issued ID showing his or her citizenship and date of birth. ### (Evelyn T. Manalo)

 




Kapit-Bisig

Hindi naging hadlang sa mga residente ng Barangay Villa Rosenda, Talugtug, Nueva Ecija ang hindi pagkasali sa 2nd cycle ng Kalahi-CIDSS upang maisakatuparan ang inaasam nilang dagdag na silid-aralan sa Villa Rosenda Elementary School.

Ayon kay Jennifer Saltiban, 39, volunteer ng barangay at pangulo ng Parents Teachers Association (PTA) ng nasabing paaralan, “Patuloy pa rin po kaming nakikiisa sa mga proyekto at nagkakaisa pa rin kaming mga volunteers kahit di kami na-prioritize sa 2nd cycle.

“Hindi na sapat ang mga silid-aralan ng Villa Rosenda Elementary School para sa 137 na mag-aaral ngayong 2017-2018,” dagdag naman ni G. Sunder Gapuz, OIC-Head Teacher ng nasabing paaralan.  Inilarawan pa n’ya ang kundisyon na kinakaharap ng mga mag-aaral na idinulot ng bagyong Lando. Sinira ni Lando ang classroom ng mga Grade 6 pupils kaya sa stockroom sila pansamantalang nagklase noong nakaraang school year. Gawa ito sa kawayan at mababa ang bubong at wala pa itong sariling palikuran.  Pag alas-tres ng hapon, nasa ilalim sila ng puno dahil mainit sa kwarto, dagdag ni G. Gapuz.

Sa tulong ng Parents Teachers Association, (PTA), inilapit ni G. Gapuz ang sitwasyon sa Barangay Council na nagresulta sa pagpondo sa mga materyales para sa pansamantalang learning area ng mga incoming Grade 6 pupils.

Nilapitan naman ni Barangay Captain Arsenio Flora, Jr. si G. Francis Jean Ramos, Municipal Social Welfare Development Officer upang ipasok sa Cash for Work Program ng Department of Social Welfare and Development (SWD) ang para sa labor component sa paggawa ng learning area.

Mga 80 magulang ang nagpahayag na lumahok sa Cash for Work para sa pagtatayo ng learning area na karamihan ay magsasaka o farm laborers at mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program. Handa silang tumulong dahil ang hangad nila ay makapagtapos ng pag-aaral ang mga anak.

Malapit nang makita ang bunga ng sama-samang pagkilos nang may malasakit ng mga community volunteers, teachers ng Villa Rosenda Elementary School at ng pamahalaang barangay at ng DSWD, ayon kay Gng. Ramos.

Ang DSWD Kalahi-CIDSS ay gumagamit ng pamamaraang community-driven development, kung saan mga residente ang mismong tutukoy sa pangangailangan ng komunidad, at pipili at magpapatupad ng mga akmang solusyon dito. Sila rin ang bumuboto kung aling mga barangay ng munisipyo ang mapupondohan ng programa.

Bagamat hindi napili ang Villa Rosenda sa DSWD Kalahi-CIDSS, nagbigay-daan naman ito upang simulan ang sama-samang pagkilos nang may malasakit ng mga taga-Villa Rosenda. ### (Jeffrey D. Pelariza)

 




Patuloy na Pagdaloy ng Ginhawa: A Level II Spring Water Development, Conservation Project

“Napakalaking tulong po ng water system na ito, lalo na po sa aming mga kakabaihan, na hindi na kailangan mag-igib sa ilog, na napakalayo sa aming mga kabahayan,” bahagi ni Nanay Rosa Liwanag, 56, isa sa mga residente ng Barangay Mawacat, Floridablanca, Pampanga.

Nakaugalian na sa mga katutubong Aeta ng barangay Mawacat na ang mga kababaihan ang mag-igib o manyaklu (fetch) ng tubig mula sa dalawang (2) kilometrong ilog sa paanan ng bundok, sa karatig na Sitio, sa Sitio Bungad. Ang gawaing ito’y pasan-pasan ng mga kababaihan kahit na sila ay nagdadalangtao sapagkat ang kanilang mga asawa ay pawang naghahanapbuhay. Gayunpaman, ang tubig na kanilang nakukuha rito ay hindi rin naman gano’n kaligtas at kalinis. Parehong suliranin na lumabas din sa resulta ng Social Welfare and Development Indicator (SWDI).

Taong 2010 pa lamang ay nagkaroon na ng proposisyon ang noo’y dating Municipal Social Worker and Development Officer (MSWDO) na magtayo ng isang water system para sa mga katutubong Aeta sa barangay, ngunit sa kasawiang palad ay hindi ito napondohan. Sa pangalawang pagkakataon, habang bumibisita ang Executive Director ng Philippine Good Heart Foundation (PGHF) na si Dir. Belinda Manahan upang magbigay ng libreng pa-feeding para sa mga bata, ay muling binuksan nang ngayo’y MSWDO ng Floridablanca na si Gng. Edelyn Lobo ang proposal sa pagkakaroon ng water system. Matapos ang masusing pag-aaral o isang feasilibity study, napag-alaman na maaring maibaba ang tubig na nanggagaling sa spring o bukana ng bundok patungo sa tapat ng mga kabahayan sa naturang barangay. Kaya naman, matapos din ang pagsasaayos ng Program of Works (POW), labor at materials cost ay nagkaroon ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng PGHF at Local Government Unit (LGU) ng Floridablanca, noong Setyembre 9, 2015.

“Ang tubig ay buhay. Kaya naman pinagtulung-tulungan namin kung pa’no mapadaloy ang tubig sa tapat-bahay ng mga kapatid nating Aeta. At ito ngang water system ang naging produkto ng pagkakaisa ng pwersa ng non-goverment organizations at government agencies,” bahagi ni Gng. Lobo.

Sa pagtutulungan ng Municipal Links ng DSWD Field Office III at local links ng munisipyo ng Florida Blanca ay nagkaroon ng Social Preparation at oryentasyon, bilang paghahanda sa mga magiging benepisyaryo ng naturang proyekto. Nakibahagi rin ang Coca-Cola Foundation Philippines, Earth Day Network Philippines, at Philippine Center for Water and Sanitation Foundation sa pagtitiyak na may sapat na pondo, kaalaman, at kahandaan ang mga tao sa pagpapatayo ng nasabing water system.

Sa tulong din ng Food for Work Program ng DSWD Field Office III ay itinayo ng 20 na mga Aeta sa naturang lugar ang water system. Kada katutubo ay kumita ng P250.00 hanggang P350.00 bawat araw sa loob ng 88 araw. Noong March 1, 2016, natapos na itayo ay nasabing water system na nagkakahalaga ng P2,093,751.00.

“Sakripisyo rin po namin ang pagpasan ng mga tubo, graba, buhangin at ibang pang materyales paakyat dito sa bundok para sa proyektong ito, na s’yang nagbigay solusyon sa problemang akin ng nasaksihan bata pa lamang ako,” bahagi ni Tatay Rodelson Liwanag, residente ng Barangay Mawacat at katulong sa pagpapatayo at pagmimintena ng proyektong water system.

Bilang pagprotekta sa naturang proyekto ay may mga napagkasunduang polisiya at regulasyon sa pagitan ng mga Aeta at ng lokal na pamahalaan. Nagtalaga ng dalawang karagdagang empleyado ang munisipyo bilang bantay nito, bukod pa sa regular na rotasyon ng mga katutubong tiga-linis ng water reservoir. May mga oras lang din ang pagbubukas nito.

Sa kasalukuyan, nabenepisyuhan at patuloy na nabebenispisyuhan ng siyam (9) na gripo, sa apat (4) na purok ang 61 na kabahayan o 276 na pamilya. Ngunit, higit pa sa water system ang maibigay sa mga katutubong Aeta, kundi disiplina at mas dalisay na pagdaloy ng kanilang pamumuhay. ### (Andyleen C. Feje)