DSWD FO III aims for no wastage of resources

DSWD Field Office III workers as they take part in the making of Social Welfare and Development Indicators (SWDI) Provincial Profiling and Analysis, earnestly.
DSWD Field Office III workers as they take part in the making of Social Welfare and Development Indicators (SWDI) Provincial Profiling and Analysis, earnestly.

Angeles City, Pampanga — Department of Social Welfare and Development Field Office III conducted workshop on Social Welfare and Development Indicators (SWDI) Provincial Profiling and Analysis last June 22, 2016.

This initiative took shape to establish a readily available data for the benefit of Provincial Advisory Committees (PACs); to evoke commitment and suitable intervention from the partner stakeholders in the provincial-level.

Having an established Provincial Profile is anchored on the Memorandum Circular No. 18, or the Guidelines on Internal Convergence of DSWD Core Social Protection Programs. It aims to eliminate fragmented, uncoordinated, redundant, and overlapping image and service of the government.

The activity was attended by Resource Persons (RPs) from PDPB Central Office, Assistant Regional Director for Operations (ARDO), Regional Convergence Coordinator, and DSWD provincial staff composed of Provincial Action Team Leaders, Provincial Links, Provincial Coordinators, Social Welfare Officers (SWOs) III and II.

SWDI is a tool used for assessing the level of well-being of Pantawid Pamilyang Pilipino Program beneficiaries to determine and monitor the level of well-being of Pantawid families (Level 1- survival, poorest of Pantawid families; Level 2- subsistence, families barely meeting the basic living necessities; and Level 3- self-sufficient, families who have the means to support and sustain the needs of their members), and facilitate grass roots social case management.

As of December 31, 2016 there is a total number of 3,695,885 assessed Pantawid families (both registered and active), of which 267,701 is from Region III. As of today, there is a total number of 149,729 Pantawid families classified under the Level 1, that is, 4%; a total number of 3,156,829 Pantawid families classified under the Level 2, that is, 85%; and a total number of 389,327 Pantawid families classified under Level 3, that is 11%.
By 2019, DSWD envisioned that Level 3 Pantawid beneficiaries will have increased by more than four (4) times its number using the baseline assessment. ### (Andyleen C. Feje)




Si Noly, ang Guro

Si Noly, ang kaniyang pamilya at ang tindahang naipundar nila sa tulong na rin ng programang Pantawid Pamilya.
Si Noly, ang kaniyang pamilya at ang tindahang naipundar nila sa tulong na rin ng programang Pantawid Pamilya.
“Masaya ako tuwing nakakapagturo, nagkakaroon ako ng fulfillment. Kahit minsan hindi maalis na sila’y makukulit at hindi nakikinig. At kailangan mo talagang magbaon ng maraming pasensya. Pero sulit naman ang lahat lalo na kapag marinig mo na silang magbasa at marinig mong tumaas na ang grado nila,” kwento ni Noly King Ivor, 15, student-tutor, sa Ramos National High School, Poblacion South, Ramos, Tarlac.

Si Noly King ay kabilang sa organisasyong Supreme Student Government (SSG) sa kanilang paaralan, na naglalayong magbigay ng libreng tutorial services para sa mga batang estudyante na hirap o hindi pa nakakabasa, gayundin sa mga batang kailangan matutukan sa pag-aaral. Ayon kay Noly, ang tutorial service ay isinasagawa nila tuwing vacant time. Sumali si Noly sa organisasyong ito simula nang siya ay nasa Grade Seven (7), at nanatiling parte nito hanggang ngayon. Ang SSG ang nagsasagawa rin ng ibang activities tulad Tree Planting, Leadership Training, Cleanliness and Waste Management. At mayroon din silang regular monthly meetings ng paaralan na sila rin kadalasan ang nangunguna.

Si Noly King ay pangalawang panganay sa anim (6) na anak nina Heidi De Guzman, 44, maybahay at Robert De Guzman, 43, kargador ng palay; kumikita siya ng P200/kada araw. Ngunit tuwing tag-ulan, malimit na walang trabaho si tatay.

Siya ay kilalang aktibo na mag-aaral, hindi lamang academically, mahilig din siyang makibahagi sa extra-curricular activities. Isa na rito ay ang pagsali sa SSG, kung saan siya ay laging nahahalal na officer. Noong nakaraang taon, siya ay nahalal bilang bise-presidente. At masasabi niyang ginagampanan niya ang kanyang tungkulin sa abot ng kanyang makakaya—para sa kanyang paaralan, guro at kamag-aaral.

Noong hindi pa sila kabilang sa Pantawid Pamilya, hindi nagiging sapat ang sinasahod ni tatay Robert sa pagiging kargador ng palay. Dumarating ang pagkakataon na walang-wala sila. Kapag walang baon ang mga bata, hindi na sila pinapapasok ni nanay Heidi. Ngunit dahil pursigido si Noly na makatapos ng pag-aaral, nilalakad niya mula sa kanilang bahay hanggang sa eskwelahan. Hindi na rin siya nakakasama sa mga extra-curricular activities na gusto niyang salihan. “Gustong-gusto ko pong sumama, pero dahil wala po akong pamasahe at allowance, hindi po ako nakakasama,” gunita ni Noly.

Ayon kay Noly, malaki ang naitulong ng Pantawid Pamilya sa pinansiyal na aspeto ng kanilang buhay. Dahil sa Pantawid Pamilya, mayroon na siyang araw-araw na allowance at hindi na nagkukulangan. Lubos itong nakatulong sa kanyang pang-edukasyon. Hindi na niya pinoproblema kung saan kukuha ng panggastos kung may gusto siyang salihan na activity sa kanilaang paaralan. Ngayon, mas lalo siyang naengganyo na maging aktibo sa SSG.

Kwento ni Noly, naging tuluy-tuloy na rin ang pagpunta ng kanyang nanay Heidi sa health center. At kung dati si nanay Heidi ay mahilig maglaro ng baraha, dahil sa mga natutunan sa Family Development Session (FDS), ni hindi na niya alam ang salitang “pagsusugal”. Natuturuan din ang kanyang nanay kung ano ang dapat gawin para hindi na bumalik sa dating bisyo. At ayon sa kanya, nakatulong din ang FDS sa kanilang pamilya sa lalo pang pagpapatibay ng kanilang relasyon sa bawat isa. Kapag may problema, mas nagiging bukas na si nanay Heidi, lalo na sa panganay at kay Noly. “Kung dati mainitin ang ulo, ngayon mas nagiging pasensyoso ako,” reaksyon naman ni tatay Robert.

Sa mahigit tatlong taong pagiging Pantawid Pamilya beneficiary, masasabi nina nanay Heidi at tatay Robert na malaki ang pagbabago sa kanilang buhay sa tulong ng programa. Nang makaipon sila sa tulong ng Pantawid Pamilya, ay nagtayo sila ng maliit na tindahan. “Kung dati, pag wala, wala talaga, pero ngayon, nagkaroon ng malaking kaginhawaan sa pamumuhay namin,” dagdag ni tatay Robert. At nitong pasukan, tatlo na sa kanilang mga anak ang nag-aaral.

Sa ngayon, patuloy ang kanilang pag-iipon at pagsusumikap na maitaguyod ang mga anak at makatapos sa pag-aaral.

Masayang ikinuwento rin ni Noly na sa kanyang paaralan, hindi minamaliit ang mga kabilang sa Pantawid Pamilya. “Ipinagmamalaki ko na ako ay isang Pantawid beneficiary,” sabi ni Noly. Pangarap ni Noly na maging guro, ito rin ang pangarap ni nanay Heidi para sa kanya—pangarap na halos nahahawakan na nila. ### (SMU/Majah Diwa)




Bajau kids join Family Camp

Children beneficiaries of Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) show their drawings during the Family Camp for the Bajau families held in Olongapo City. DSWD Field Office III led by Ms. Tomasa Lirio (center-1st row), Pantawid Pamilya Regional Program Coordinator  distributes school supplies to all children-beneficiaries.
Children beneficiaries of Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) show their drawings during the Family Camp for the Bajau families held in Olongapo City. DSWD Field Office III led by Ms. Tomasa Lirio (center-1st row), Pantawid Pamilya Regional Program Coordinator distributes school supplies to all children-beneficiaries.

Children beneficiaries of Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) joined the Family Camp for the Bajau families held recently in Olongapo, Zambales.

The Bajau children, who came from the provinces of Bulacan, Pampanga and Zambales, joined various activities like drawing and coloring, story-telling, swimming, and other team building activities that aimed to develop the values of teamwork and build their character. ### (SMU)




Mas Magandang Bukas

Ang tinaguriang Mr. and Mrs. MCCT na sina Abdul at Nerissa habang sila ay taimtim na nakikinig tungkol sa diskusyon ukol sa mas mainam na pagpapamilya.
Ang tinaguriang Mr. and Mrs. MCCT na sina Abdul at Nerissa habang sila ay taimtim na nakikinig sa diskusyon tungkol sa mas mainam na pagpapamilya.

“Nagmamahalan. Masaya,” tanging ang dalawang katagang paulit-ulit na nasabi ng mag-asawang sina Abdul Mamiyalli, 21, at Nerissa Mamiyalli, 19, matapos ang tatlong araw na Family Camp for Homeless Street Families, nitong nakaraang June 1-3, sa Anne Racquel’s Hillside Resort and Hotel, Olongapo, Zambales.

Ang naturang Family camp ay dinaluhan ng mahigit 200 na mga benepisyaryo ng Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) na pawang taga-Angeles City, at Mabalacat City, Pampanga, Hagonoy, Bulacan, at Olongapo, Zambales.

Ito ay naglalayong palakasin at pagyabungin ang pisikal, mental, emosyonal, sosyal, at ispiritwal na antas ng mga benepisyaryo ng nasabing programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng team building, sport fest, at ilang sesyon ng pag-aaral tungkol sa kahalagahan ng katawa, pagkatao, pamilya, at pagsusumikap sa buhay.

“Napakasarap ng experience namin dito. Ang sarap makisalamuha sa tao. Lalo na ‘yung apo ko, sobrang nag-enjoy s’ya. Ganun din ako, at natutunan kung ‘di lang kami dapat umasa nang pang-habang buhay sa MCCT,” pagkukukwento ni Eugenia Basillio, 51.

Isa sa mga pinaka binigyang lundo ng nasabing akitibidad ay ang renewal of vows ng mga mag-aasawa. “Parang naulit muli ang kasal namin. Ang sarap kasi noon ay sa Huwes lang kami ikinasal, wala pang picture. Samantalang ngayon ang dami na ngang bisita, may handa at may kodakan pa,” sabi ni Gilbert Aquino, 46. Ito ay sinundan ng pagbibigay ng mga gantimpala at gamit sa eskwela.

Hindi lang pagbibigay ng cash grant ang layon ng programang MCCT kundi tulungan ang mga benepisyaryo nito na maging responsableng magulang at wala na ring mga batang palaboy laboy sa lansangan. ### (Andyleen C. Feje)




Pantawid beneficiaries support Brigada Eskwela

It's "Brigada Eskwela" day for the Pantawid Pamilya beneficiaries of the City of San Jose Del Monte, Bulacan.
It’s “Brigada Eskwela” day for the Pantawid Pamilya beneficiaries of the City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Pantawid Pamilya beneficiaries of the City of San Jose Del Monte, Bulacan joined this year’s Brigada Eskwela, a program of the Department of Education (DepED).

Nenita Reyes, a Pantawid parent leader who rallied her members said, “Ito ay pagbibigay halaga sa kapakanan ng aming mga anak at sila din naman ang makikinabang sa pagboluntaryong ginangawa namin. Ito din ay pagpapatunay ng tunay na pagpapahalaga namin sa edukasyon ng aming mga anak”.

The annual Brigada Eskwela Program is a project of the DepED in preparation for the opening of classes with the theme: “Tayo Para sa Paaralang Ligtas, Maayos, at Handa Mula Kindergarten Hanggang Senior High School”. ###




Inspirasyon ako ng kapwa ko

San Felipe

“Kahit na gaano kahirap ang buhay, ni hindi ko naisip na sabihin sa mga anak ko na ‘wag muna kayong mag-aral. Pangarap ko talagang magkaroon ng magandang buhay, makatapos ang mga anak ko ng pag-aaral, at magkaroon mas maayos na trabaho,” bungad ni Beverly Alegado, 34, Parent-Leader ng Sitio Sapat, Barangay Maloma, San Felipe, Zambales.

Noong una ay si Dennis Alegado, 39, lamang ang may trabaho sa pamilya nila. Siya ay isang mangingisda. Kung minsan ay naglalabada lamang si Beverly para lang makadagdag sa panggastos nila sa araw-araw kaya naman madalang pa sa kidlat ng Mayo, aniya, kung makatikim ang kanyang mga anak ng bagong uniform. Ang bahay nila ay gawa lang sa cogon at talahib.

Pero gaano man kahirap ang buhay, aniya, ay hindi niya pinaramdam sa kaniyang mga anak na kailangan nilang huminto sa pag-aaral. Ito ay nais niya rin sanang ibahagi sa mga katulad niyang mahihirap na magulang sa kanilang lugar. Gayumpaman, ‘sino ba naman ako para pakinggan nila,’ aniya.

Ngunit nang dumating ang Pantawid Pamilyang Pilipino sa kanilang buhay ay natuto siyang magsalita sa harap ng mga tao sa tulong ng Family Development Session (FDS) at Leadership Training para sa mga Parent-Leader.

“Noong una ay ni hindi man lang ako lumalabas sa bahay. Ngunit nung dumating ang Pantawid Pamilya ay nabago ang buhay ko. Ako ay naging Parent-Leader, Barangay Health Worker, Barangay Nutrition Scholar, at ngayon ay Day Care Worker. Kung may iba pang opportunity ay hindi ako magdadalawang isip. Nabuksan ang aking isipan, sabi ko nga ay kaya ko naman pala bakit hindi ko pa ginawa noon,” wika ni Beverly. At nito nga lang nakaraang isang araw siya ay nag-apply naman bilang Caregiver sa magbubukas na bagong ospital sa Subic Bay Metropolitan Area.

At kung may nababalitaan siyang hindi na nagpapaaral ng kanilang mga anak sa kanilang lugar ay matyaga niya itong pinupuntahan upang makausap at bigyan ng lakas ng loob. “Madalas kong ginagawang example ang sarili ko at pamilya ko,” aniya.

At ngayong nalalapit na naman ang pasukan, nakahanda na ang gamit ng mga bata Mayo pa lamang at sabay na silang papasok sa eskwela. ### (Andyleen C. Feje)




Tahanan, magandang samahan

San Antonio

“Masungit po ako dati, mainitin ang ulo, marahil marami ang naiinis sa akin. Pero lahat iyon ay nagbago. Ngayon po ay mas pasensyosa na ako, at alam kong maraming nagmamahal sa akin. Sa grupo naming Pantawid ay para kaming tunay na magkakapatid,” pagmamalaki ni Maribel Bautista, 50, Parent-Leader ng Barangay Luna, San Antonio, Zambales.

Si Maribel, ang kanyang asawang si James Bautista, at kanilang tatlong mga anak ay nakatira lamang noon sa isang dampa, ni hindi niya makuhang matulog dahil punong-puno siya pangamba. Sa konting ihip lang ng hangin ay maaaring matumba ito. At, ang umagahan, tanghalian, hanggang hapunan nila ay isang tilapia. Ni hindi siya nag-iimbita ng bisita noon sa kanila.

“Ang buhay namin noon ay parang ang bahay namin noon, na anumang oras ay tila tutumba ‘pag nasagi. Pero ngayon, tulad ng bago naming bahay na aming naipatayo sa pamamagitan ng savings strategy na natutunan namin sa Family Development Session (FDS) ay konkreto na at mas matibay. Sabay-sabay na kaming nagdadasal at kumakain; hindi na rin ginagabi ng uwi ang asawa ko para uminom ng alak, nakakasama ko pa siya sa pag-attend ng FDS,” kwento ni Maribel.

Ramdam ko ang paghanga sa akin, sa amin, ng aming mga kapitbahay. Kaya naman ngayon, ni hindi na halos nawawalan ng bisita ang bahay nila. At ang mga bisita, busog na busog sa mga kwento niya ng pagbabago. Ang kadalasan niyang linya, “kung saan ka nadapa ay doon ka rin bumangon.”

Nakahanap siya ng mga bagong kapatid sa katauhan ng mga kapwa niya benepisyaryo. At isa sa pinakamasarap sa lahat, aniya, ay yung kasama ang kanilang mga asawa sa pagdalo ng FDS. Isa sa mga initiative na sinundan na kanyang mga kasamahan. ### Andyleen C. Feje)




Ang maglingkod sa inyo

Castellijos

“Pare-pareho lang kami ng tinatanggap na grant pero mas malaki ang obligasyon ko. Nakakatuwa dahil alam kong pinagkakatiwalaan ako,” wika ni Rhodora Sargan, 52, Parent-Leader ng Balaybay Resettlement, Castillejos, Zambales.

Si Rhodora ay nakatapos ng Bachelor of Science in Commerce, ngunit matapos magsara ang pinagtatrabahuhan nilang Korean Company sa Maynila ay sinubok naman nilang mag-asawa ang makipagsapalaran sa Zambales. Sila ay naging food and fruits vendor, gamit ang kanilang natatanging napundar noon na motor. Inuubos nila ang umaga at kung minsan pati na rin ang gabi makaubos lang ng paninda.

Hanggang sa dumating ang Pantawid, siya ay nagkaroon pa nang ibang trabaho na masasabing wala naman talagang sweldo, ang pagiging Parent-Leader. “Ginusto ko na rin talagang tumulong,” aniya. At ‘di naglaon, siya ay naging Head ng lahat ng Parent-Leader sa buong Castillejos. At taong 2015, noong magkaroon ng second round assessment ng mga household, siya ay pumasok na Enumerator sa Listahanan o National Household Targeting System—Poverty Reduction (NHTS-PR).

“Dati akong aktibista, pero na-realize ko na kung hindi ka magsisipag at magsisikap ay walang mangyayari at hindi dapat sa gobyerno ibunton ang sisi dahil sa huli tayo pa rin ang gumagawa ng kapalaran natin. Noong ako ay naging Enumerator ng Listahan o NHTS-PR, umakyat ng mga bundok at pumunta sa mga pinakaliblib na lugar ng Zambales ay mas lalo kong ninais na maranasan din ng mga katulad kong mahihirap ang alalay na hatid ng Pantawid,” aniya.

Nakita, nasaksihan ni Rhodora kung pa’nong nakakatulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga mahihirap na gaya niya, at nais niyang maging bahagi nito. Kaya naman nito lamang nakaraang Abril, siya ay nag-apply sa DSWD Regional Office. Naipasa niya ang lahat ng exam at naghihintay na lang na ma¬-panel interview para sa posisyong Project Development Officer (PDO) II ng Sustainable Livelihood Program (SLP). ### (Andyleen C. Feje)