103 student-beneficiary ng 4Ps ang nagtapos ng YDS

Binigyang parangal ng Ramos National High School (RNHS) ang 103  na mag-aaral na pawang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil sa kanilang pagdalo at pakikibahagi sa Youth Development Sessions (YDS).

Ang naturang pagkilala ay may temang “Mapanagutang Kabataan sa Makabago at Maunlad na Bayan.” Sapagkat naniniwala ang paaralan ng RNHS, sa pangunguna ni Dr. Noel D. Palgue, Principal II, na sa bawat batang makakatapos ay may isang pamilyang magkakaroon ng pag-asang makaahon sa kahirapan tungo sa kaunlaran.

Sila ang ikalawang batch na matagumpay na natapos ang 11 modules (mulas Change: Metamorphosis of a Person hanggang Discovering Your Destiny) ng YDS, sa RNHS.

“Kung ang atin pong mga kabataan ay mawawalan ng kinabukasan, ang atin pong bansa ay mawawalan din ng pag-asa at kinabukasan. Dahil ang kinabukasan ng bansa ay naka-depende sa mga kabataan,” pagbibigay diin ni Ms. Melanie Barnachea, OIC-Division Chief ng DSWD Promotive Services.

Dagdag pa rito’y ipinaalala ni Hon. Municipal Mayor Diosdado T. Reginaldo na lahat ay mayroong pantay na karapatang upang magkaroon ng pagkakataong mag-aral kasabay ng pangakong tutulong upang mabigyan ng suporta ang mga batang nagtapos sa pamamagitan ng scholarship.

Ang DSWD ay ang punong ahensya (katuwang ang Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), at ng mga Local Government Units (LGUs)) na nag-iimplementa sa 4Ps, ang programang nakatuon sa pagbali ng siklo ng kahirapan sa pamamagitan ng pagtutok sa edukasyon at kalusugan ng mga Pamilyang Pilipino.

Ang YDS ay binuo upang tulungan ang mga kabataang benepisyaryo ng 4Ps na magkaroon ng life skills na kanilang magagamit sa pagharap sa mga isyung madalas kaharapin ng kanilang sektor.

Posted in UncategorizedComments (0)

Sabayang UCT-SocPen Payout, isinagawa ng DSWD

Mahigit 600 benepisyaryo ng Social Pension sa Sto. Domingo, Nueva Ecija ang nakatanggap pa ng ayudang 2,400 (para sa taong 2018; 200 kada buwan) mula sa UCT.

Ang ayudang hatid ng UCT ay bilang tulong-patungon sa pagtaas ng presyo ng bilihin bunsad ng TRAIN Law.

Ang mga benepisyaryo ng programang Social Pension mula sa Sto. Domingo, Nueva Ecija ay buong galak nang kanilang matanggap ang karagdagang tulong.

Ngayong araw, ika-30 ng Hunyo taong 2018 ay nagkaroon ng sabayang payout mula sa iba’t ibang bayan ng Gitnang Luzon para sa mga Social Pensioner.

Si Corazon De Guzman-Mina ay 53 anyos, mula sa Brgy. Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija.

Siya ang nag-claim ng Cash Grant, mula Unconditional Cash Transfer, ng kanyang ama na may karamdaman na si Arnesto De Guzman na benepisyaryo ng programang Social Pension.

#DSWDMayMalasakit
#DSWDParaSaNakararami
#DSWDKalingaAtPagmamahal

Posted in UncategorizedComments (0)

Palit-gampan ng LGU at residente, idinaos ng DSWD

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Community-Driven Development ngayong Hunyo, inilunsad ng DSWD Kalahi-CIDSS at Pamahalaang Barangay ng Picaleon, Gen. Mamerto Natividad, Nueva Ecija ang “Pamumunong Makamasa: Pagkilos na Sama-sama” noong Hunyo 20, 2018.

Ang Pamumunong Makamasa ay ang LGU – community volunteers exchange activity na  isinasagawa sa 14 na rehiyong saklaw ng DSWD Kalahi-CIDSS. Ang DSWD Region 3 ang kauna-unahang nagsagawa nito sa buong bansa.

Layunin ng Pamumunong Makamasa na ipakita ang buhay at mahigpit na ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga mamamayan para sa mga proyektong pangkaunlaran sa barangay. Sa loob ng isang araw, nagsilbing community volunteer si Kagawad Edwardo Fajardo sa pamamagitan ng aktibong paglahok sa Operations and Maintenance Committee o pangkat ng community volunteers na namamahala at nangangalaga sa 60 poste ng solar-powered streetlight sa Purok Petchay at Purok Kamatis na bunga ng sama-samang pagkilos nang may malasakit ng mga taga-Picaleon.

“Maraming salamat po at malapit na naming makamtam ang liwanag na dala ng Kalahi CIDSS [ng Solar Powered Street Lights ng Kalahi CIDSS], at lokal na pamahalaan na talagang makakatulong ng malaki sa amin,” bahagi ni Kagawad Edwardo Fajardo.

Si Kagawad Fajardo ay nagsilbing miyembro ng Operations and Maintenance Committee na nagsagawa ng on-site inspection ng solar-powered streetlights upang tiyakin na maayos at gumagana ang mga ito. Kabilang ito sa regular na gawain ng nasabing komite.

“Mas na-appreciate ko po ang trabahong ginagampanan ng aming mga opisyal sa barangay, na pare-pareho rin pala kaming nagtatrabaho at gumagalaw para sa ikauunlad ng komunidad,” Analyn Salas, CV na naging kagawad para sa araw na ito.

Dahil sa ipinamalas na pagkakaisa’t kahusayan ng mga taga-Picaleon, itatampok ang mga kinatawan ng community volunteers sa DSWD Usapang Malasakit, ang lingguhang palabas ng DSWD.

Ang DSWD Kalahi-CIDSS ay ang programa ng DSWD na nagtataguyod ng community-driven development upang labanan ang kahirapan. Dito, mga mamamayan mismo ang tumutukoy ng suliranin at solusyon para sa mga proyektong pangkaunlaran sa pamayanan, at aktibong lumalahok sa pamayanan upang mapahusay pa lalo ang lokal na pamamahala.

Ipalalabas ang DSWD Usapang Malasakit sa Hunyo 29, 2018 sa Facebook.com/dswfo3.

 

#DSWDMayMalasakit
#DSWDParaSaNakararami
#SamaSamangPagkilosNangMayMalasakit
#CDDMonth

Posted in newsComments (0)

Pitong Proyekto mula sa Gitnang Luzon, kinilala bilang “Good Practices”

“Walang programang hindi mapapalakas at mapapaunlad kung walang suporta ng lokal na pamahalaan, mga kaagay na ahensya. At, hindi naman ito magigi

ng matagumpay, kung walang pagtanggap ng mga benepisyaro,” pagbibigay diin ni Assistant Regional Director for Operations (ARDO) Venus F. Rebuldela.

City of San Fernando, Pampanga—Pitong (7) natatanging proyekto ng Gitnang Luzon ang kilala ngayong ika-13 ng June 2018, bilang Good Practices and Convergence Initiatives, na nagsisilbing kaagay ng DSWD sa pagsusulong ng mga programang maagap, mapagkalinga, at walang puwang sa katiwalaan, sa para sa bayan.

Kinilala ang Auxiliary Barangay Health Workers (BHWs) Project mula sa probinsya ng Bataan bilang 2018 Regional Best Practice and Best Convergence Initiative. Samantala, kinilala naman bilang Second Regional Best Practice and Second Best Convergence Initiative ang Bayanihang Tarlaqueňo mula sa probinsya sa probinsya ng Tarlac. Kinilala naman bilang Third Regional Best Practice and Third Best Convergence Initiative ang Donya SLP: A Sheltered Workshop Project mula sa probinsya ng Bulacan. Gayundin naman, kinilala ang Rasyong Angkop Bata (RAB) mula sa probinsya ng Aurora, na Fourth Regional Best Practice and Fourth Best Convergence Initiative. At, kinilalang pawang good practices at convergence initiatives ang Inuminang Bayan Project mula sa probinsya ng Nueva Ecija, ang Garden of Eden in Propio Project mula sa probinsya ng Pampanga, at Pantawid PYAP (Pag-asa Youth Association of the Philippines) Project mula sa probinsya ng Zambales.

Ang mobilisasyon ng mga tinatawag na Auxiliary Barangay Health Workers (BHWs) ay isang proyekto mula sa munisipalidad ng Orion, Bataan. Ang mga naturang Auxiliary staff ay ang siyang katuwang ng mga Nurses, Midwives, at BHWs ng naturang bayan sa pagpapaabot ng mga serbisyong pangkalusugan. Ang mga Auxiliary BHWs ay pawang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (o 4Ps) na nag-volunteer na maging katuwang sa paghahatid sa serbisyong pangkalusugan.

 

#DSWDMayMalasakit #DSWDParaSaNakararami #DSWDTres #DSWDKalingaAtPagmamahal

Posted in featured, UncategorizedComments (0)

Veggie Noodles: Bagong pinagkakakitaan ng 4Ps Beneficiaries at Kalahi Volunteers sa tulong ng SLP

“Marami po akong natutunan sa KALAHI na talagang nagagamit ko ngayon sa grupo namin na SLP,” wika ni Anita, President ng SLP Association – Veggie Noodles Production.

QUEZON, NUEVA ECIJA—Labing siyam (19) na residente ng Brgy. San Miguel, Quezon Nueva Ecija ang nakatanggap ng pondo na nagkakahalagang Php92,397 mula sa isa sa mga programa ng DSWD na Sustainable Livelihood Program para sa proyektong pangkabuhayan na Veggie Noodles Production.

Karamihan sa mga residenteng ito ay mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program. Sa programang ito, ang mga benepisyaryo ay naging aktibo sa pakikilahok sa mga gawain ng komunidad dahil sa malimit silang ipinapatawag sa mga pagpupulong at mga diskusyon ukol sa pagpapaunlad ng kanilang sarili o mas kilala rin sa tawag na Family Development Session (FDS).

Proseso ng paghuhulma ng Veggie Noodles

Nang dahil dito sila ay namulat sila sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kusa sa pakikipag-isa sa lokal na pamahalaan at maging sa kanilang kinabibilangang barangay. Sila ay nahikayat na maging Community Volunteers sa programang KALAHI CIDSS (o Kapit-bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Servicse).

Ilan sa mga benepisyaryo na nakatalaga sa pagmamasa at paghuhulma ng Veggie Noodles

Isa rin ito sa mga programa ng DSWD na naglalayong mapalakas ang mga local na komunidad sa pamamagitan ng paghikayat sa mga mamamayan na makilahok sa pagresolba ng mga isyu at problemang nararanasan ng lugar, partikular na sa barangay. Sa pakikilahok sa mga gawain ng programa at iba’t ibang pagpupulong ay mas lalong natuto ang mga residente. Isa sa kanilang mga natutunan ay ang proseso ng paggawa project proposals. Kung saan sila mismo ang magbibigay ng solusyon sa nakita nilang problema sa lugar sa pamamagitan ng proyekto.

Ang project proposal ay naglalaman ng mga kadahilanan sa pagsisimula ng proyekto, sino ang mga lalahok, mga inaasahang resulta, at karampatang pondo na kinakailangan sa paglunsad ng proyekto. Sa papamagitan ng Participatory Situational Analysis (PSA) na bahagi ng programang KALAHI CIDSS, ang mga volunteers ay nagsagawa ng pag-aaral ukol sa mga problemang kinakaharap ng kanilang barangay. Isa na nga rito ang kakulangan sa permanenteng pagkukunan ng ikabubuhay ng mga residente dahil pagsasaka ang karaniwang hanapbuhay ng mga ito, na kung taguria’y seasonal na uri ng trabaho. Dahil madalang ang panahon ng pagsasaka, madalang din ang panahon na mayroong kita ang mga residente. Samantala, ang ilan sa kanila ay maimbintahan na dumalo ng Livelihood Training sa kalapit na bayan ng Sto. Domingo; sila ay nabahaginan ng kaalaman sa paggawa ng Veggie Noodles. Isang klase ng noodles na may sangkap na gulay gaya ng kalabasa at malunggay.

Malunggay Veggie Noodles

Ang paggawa nito ay maaaring maging kabuhayan ng mga mamayan sa kanilang lugar. Kaya naman napagpasyahan nilang gumawa ng project proposal upang matugunan ang pangangailangan na ito. Dahil sa kanilang kaalaman sa paggawa ng project proposal, ito ay maayos na dumaan sa proseso at nababaan ng pondo sa tulong na din ng mga kawani ng ahensya gaya ng Project Development Officer ng SLP, Municipal Link ng Pantawid Pamilya, at Area Coordinator ng KALAHI CIDSS. Ang kilos na ito ay tinatawag na Convergence Strategy kung saan ang tatlong programa ng DSWD nakasentro sa pagpapaunlad ng antas ng buhay ng mamamayang Pilipino—nagtutulong-tulong para sa mas epektibong resulta ng pagbabago. Isa nga ang SLP Association ng Veggie Noodles Production sa mga halimbawa nito.

#DSWDMayMalasakit

#DSWDParaSaNakararami

#4PsDiTamad

#SLPBeneficiaries

#KalahiVolunteers

#DSWDTres

#ConvergenceInitiative

Posted in featuredComments (0)

Transparency Seal

citizenzcharter

eaics_logo

philgeps

Tweets by ‎@dswdfo3


Related Sites

PHVsPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1YS5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8yPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yi5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yy5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1ZC5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9tcHVfYWRzZW5zZTwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9kaXNhYmxlPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbS9hZHMvMzAweDI1MGEuanBnPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9hZHNlbnNlPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2Rpc2FibGU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHBzOi8vZm8zLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvdXBsb2Fkcy8yMDE3LzAzL2Jhbm5lcl9mbzMucG5nPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzI8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF91cmxfMzwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRzX3JvdGF0ZTwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hbHRfc3R5bGVzaGVldDwvc3Ryb25nPiAtIGRlZmF1bHQuY3NzPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYXV0aG9yPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hdXRvX2ltZzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fY3VzdG9tX2Nzczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2N1c3RvbV9mYXZpY29uPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVhdF9lbnRyaWVzPC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgbnVtYmVyOjwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXR1cmVkX2NhdGVnb3J5PC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgY2F0ZWdvcnk6PC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVlZGJ1cm5lcl9pZDwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlZWRidXJuZXJfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZ29vZ2xlX2FuYWx5dGljczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWVfdGh1bWJfaGVpZ2h0PC9zdHJvbmc+IC0gNTc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19ob21lX3RodW1iX3dpZHRoPC9zdHJvbmc+IC0gMTAwPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29faW1hZ2Vfc2luZ2xlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19sb2dvPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cHM6Ly9mbzMuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC91cGxvYWRzLzIwMTcvMDMvcnN6X2ZpbmFsX2xvZ29fZHN3ZC5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19tYW51YWw8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vc3VwcG9ydC90aGVtZS1kb2N1bWVudGF0aW9uL2dhemV0dGUtZWRpdGlvbi88L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19yZXNpemU8L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvcnRuYW1lPC9zdHJvbmc+IC0gd29vPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd19jYXJvdXNlbDwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd192aWRlbzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2luZ2xlX2hlaWdodDwvc3Ryb25nPiAtIDE4MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3NpbmdsZV93aWR0aDwvc3Ryb25nPiAtIDI1MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RhYnM8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RoZW1lbmFtZTwvc3Ryb25nPiAtIEdhemV0dGU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb192aWRlb19jYXRlZ29yeTwvc3Ryb25nPiAtIFNlbGVjdCBhIGNhdGVnb3J5OjwvbGk+PC91bD4=