Naganap ang Module 1: Orientation on Gender-Based Violence (GBV) Watch Groups and Understanding GBV para sa mga lalaking benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Dinalupihan, Bataan sa pangunguna ng DSWD Field Office 3 Municipal Operations Office (MOO) Dinalupihan katuwang si Ms. Sherryl B. Santos, PDO III – Lead Secretariat Regional Inter-Agency Committee Against Trafficking, Child Pornography, and Violence Against Women and their Children.

Katuwang ang MOO Dinalupihan, bumuo ng isang Self-Help Group ang mga lalaking benepisyaryo ng 4Ps na tinawag na “4Ps MEN GENDER-BASED VIOLENCE (GBV) WATCH GROUP” na naglalayon na mabigyang pansin ang lumalaking bilang ng mga taong nakararanas ng pang-aabuso sa bayan.

Nilalayon din na mapagyabong ang kaalaman at kasanayan ng mga natukoy na lalaking benepisyaryo ukol sa gender sensitivity, positive masculinity, responsible fatherhood, mga batas na nauugnay sa VAWC, proteksyon ng kabataan sa pamamagitan ng capacity-building activities, at Family Development Sessions (FDS) na makatutulong sa kanilang pagganap sa tungkulin.

Dagdag pa, layunin din na mapatibay ang sistema ng sanggunian at koordinasyon sa pagitan ng GBV Watch Group at ng Barangay VAW Desk, Local Council for the Protection of Children (LCPC), at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) para sa wastong pag-uulat at pagsangguni ng mga kaso. Naglalayon din na hikayatin ang adbokasiya ng kalalakihan at suporta sa kapwa (peer support) sa pagtataguyod ng walang karahasan, magalang, at gender-responsive na relasyon sa pamilya. ##