Isinagawa ang Community-Based Training (CBT) ng Bataan Peninsula State University – Extension Training and Service Center (BPSU-ETSO) na dinaluhan ng 65 na 4Ps beneficiaries sa Orani, Bataan.

Sa nasabing pagsasanay, natutunan ng mga kalahok ang paggawa ng mga produktong maaaring gawing panimulang negosyo, tulad ng coco jam, mango jam, banana chips, at camote chips. Layunin nitong mapaunlad ang kanilang kaalaman at kasanayan sa food processing at mabigyan sila ng dagdag na oportunidad para makapagsimula ng sariling kabuhayan.

Nagbigay rin ng orientation ang Department of Trade and Industry (DTI) tungkol sa mga pangunahing marketing strategies, na makatutulong sa mga kalahok sa pagpaplano at epektibong pagbebenta ng kanilang mga produkto.

Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, DSWD, BPSU-ETSO, DTI, at iba pang katuwang na ahensya ng pamahalaan, bilang bahagi ng sama-samang pagsisikap na mapalakas ang kakayahan at kabuhayan ng mga 4Ps beneficiaries.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, patuloy nating isinusulong ang pagkakaroon ng kasanayan, oportunidad, at mas matatag na kabuhayan para sa mga pamilyang Pilipino. Dahil ang bawat bagong kasanayang natututunan ay maaaring maging unang hakbang tungo sa mas magandang kinabukasan. ##