MARIA AURORA, AURORA – Bilang pagbibigay-pagkilala sa pagtatapos sa programa ng 167 na mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, idinaos ang Pugay Tagumpay sa bayan.

Bilang suporta ng iba’t ibang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan sa mga nagtapos, ipinagkaloob nila ang slots for Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE), slots for skills training on hilot massage wellness, fruit-bearing trees (plants) mula sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).

Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Maria Aurora sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ariel A. Bitong, katuwang sina SB Member Aleirah A. Bitong, Center Manager Carlito G. Gatchalian, PESO Manager Nika Vei G. Nakar, at OIC MSWDO Maria Gloria B. Amatorio, MENRO Reynaldo B. Aragon Jr. ,matagumpay na naisagawa ang programa para sa mga pamilyang nagsipagtapos sa programa. Naging matagumpay din ang aktibidad sa pangunguna nina Provincial Link Joanne R. Mateo, Ms. Melanie Barnayha, kasama ang buong MAT Maria Aurora, na nagsikap upang maisakatuparan ang makabuluhang gawain.

Ang mga tulong na ito ay sumasalamin sa tunay na layunin ng programa, na ang paglabas ng mga benepisyaryo sa 4Ps ay hindi pagtatapos ng suporta, kundi simula ng mas maraming oportunidad tungo sa mas matatag, produktibo, at masaganang pamumuhay. Sa pamamagitan ng patuloy na pagkakaisa ng DSWD, lokal na pamahalaan, at mga partner agencies, masisigurong ang bawat pamilyang nagtapos sa programa ay may sapat na kakayahan at suporta upang mapanatili ang kanilang pag-unlad at maiwasan ang muling pagbabalik sa kahirapan. ##