Mula sa pagtutulungan ng DSWD Field Office 3 Municipal Operations Office at ng Tarlac Center for Learning and Skills Success ng Provincial Government of Tarlac sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO), naisagawa ang one-day bread-making training sa bayan ng Camiling para sa 19 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries at 23 4Ps beneficiaries naman ang nagsanay sa one-day candle-making sa San Clemente.

Nakagawa ang mga 4Ps beneficiaries sa Camiling ng pizza, cinnamon roll, salt bread, at doughnut mula sa pagtuturo ni Mr. Deogracias Forlales III. Bukod pa sa pagbabahagi ng mga recipe ng mga ito, tinuruan din niya ang mga benepisyaryo ng tamang pagmamasa ng harina at pagsusukat ng bawat sangkap. Paggawa ng ordinary at scented candles naman ang itinuro ni Mr. Cedric Kurt Dolueras sa mga benepisyaryo ng San Clemente.

Ang bread-making at candle-making training ay tugon sa pagnanais ng mga benepisyaryong matuto ng mga kasanayang ito na magagamit nila upang makapagsimula ng kabuhayan at pang-dagdag kita para sa kanilang pamilya.

Katuwang ng DSWD ang mga partner agencies tulad ng PESO upang mabigyan ng oportunidad ang mga benepisyaryo ng 4Ps at mapaunlad ang antas ng kanilang pamumuhay. ##