Paniqui, Tarlac – Nagsagawa ang DSWD Field Office 3 Municipal Action Team (MAT) ng isang seminar para sa Gender-Based Concerns, Rights of the Children, and Disaster Awareness para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ang aktibidad ay dinaluhan ng 926 na benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ng nasabing bayan.

Bilang bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman, nagbahagi rin ang Department of Trade and Industry (DTI) ng mga mahahalagang impormasyon hinggil sa pagtatayo at pagpapalago ng negosyo, gayundin ang mga oportunidad sa pagsasanay na maaaring makuha ng mga benepisyaryo.

Nagpakita rin ng suporta ang punongbayan ng Paniqui na si Mayor Kath Roxas sa pamamagitan ng pagbibigay ng mensahe para sa mga dumalo at sa mga kawani ng 4Ps na nagsisilbing katuwang sa pagpapatupad ng programa.

Layunin ng seminar na bigyan ang mga benepisyaryo ng mga kasanayan at kaalamang magagamit nila sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at sa pagtulong sa kanilang kapwa. ##