La Paz, Tarlac – Isinagawa ng DSWD Municipal Action Team ang Caravan of Services para sa 298 na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa mga barangay ng Balanoy, Rizal, Paludpud, Motrico, at Comillas.

Nakibahagi rin sa aktibidad ang mga partner agencies mula sa Fortune Life Insurance, PhilHealth, Philippine Statistics Authority, at PESO.

Ang mga dumalong partner agencies ay nagbahagi ng kanilang mga programs and services, at narito ang mga sumusunod:

Fortune Life Insurance – Nagbigay ng orientation at kahalagahan ng life insurance. 268 individuals ang nagparehistro.

PhilHealth – Nagbigay ng orientation sa kanilang mga serbisyo. 68 na individuals ang nagparehistro.

Philippine Statistics Authority (Philsys) – 50 individuals ang nagparehistro at nagpavalidate upang magkaroon ng National ID.

Public Employment Service Office (PESO) – Nagbigay ng orientation ukol sa kanilang mga programa at serbisyo, kabilang ang Aral-Training-Trabaho Program na para sa mga kabataang nagnanais na makapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng ALS at makatanggap ng mga kasanayan mula sa TESDA.

Sa pamamagitan ng caravan of services, mas napapalapit sa mga benepisyaryo ang mga programs at services ng mga partner agencies na maaaring ma-avail ng bawat pamilyang 4Ps. ##