General Tinio, Nueva Ecija — Sa kabila ng pagiging isa sa mga Unserved and Underserved Areas (UUAs) sa lalawigan ng Nueva Ecija, naramdaman ng Barangay Palale ang diwa ng convergence o pagtutulungan ng pamahalaan sa pagbibigay ng makabuluhang programa at serbisyo.

Matagumpay na naisagawa para sa 20 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Palale Kabuhayan at Kaunlaran Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) ang “Skills Training on Bignay Wine, Bignay Concentrate, Camote Chips, and Camote Fries Production”.

Matatandaang isa ang Palale Kabuhayan at Kaunlaran SLPA sa mga nakatanggap ng SLP Grant na nagkakahalaga ng P600,000.00 noong nakaraang Mayo 2026.

Bukod sa libreng kasanayan sa pagproseso ng mga lokal na ani ng Barangay, tulad ng Bignay at Camote, mas lalo pang pinatibay ang kakayahan ng asosasyon sa tulong ng DOST Nueva Ecija sa pagkakaloob ng mga kagamitan at equipment, na makakatulong sa kanilang epektibong operasyon, gaya ng:

1. Hand Refractometer (para sa pagsukat ng tamis/sugar content)

2. Pen-type pH Meter (para sa pagsukat ng asim/acidity)

3. Thermohygrometer (para sa temperatura at humidity)

4. Probe Thermometer (para sa tiyak na temperatura ng pagluluto)

5. Juice Extractor (para sa mas mabilis at malinis na pag-extract ng Bignay)

6. Stainless Steel Tables

Katuwang ng DSWD Field Office 3 Provincial Operations Office 2 – Nueva Ecija, Municipal Action Team (MAT) General Tinio at Sustainable Livelihood Program ang mga sumusunod na partners sa katagumpayan ng mithiing ito:

DOST Nueva Ecija – Sa pagkakaloob ng mga equipment at kagamitan, at sa paglalaan ng Technical Assistance sa pagpapatakbo ng kabuhayan ng asosasyon

Central Luzon State University – Sa pagsasagawa ng masinsinang pagsasanay patungkol sa Bignay and Camote Post-Production LGU General Tinio – Sa paglalaan ng mga pangangailangan at seguridad sa pagbabyahe ng mga kagamitan at tao upang marating ang Barangay Palale, na isa sa mga pinakamalayong Barangay sa bayan Sa halip na ang mga mamamayan ang bumiyahe nang malayo para maghanap ng oportunidad, ang mga ahensya mismo ang nagkapit-bisig upang ilapit ang mga programa at pagsasanay sa kanilang pamayanan. ##