Bilang pagpupugay sa malasakit at pakikiisa, iginawad ang Plaque of Appreciation sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Porac Municipal Operations Office (MOO) sa “Grateful Hearts, Shared Success 2026” Recognition Ceremony ng Jose B. Lingad Memorial General Hospital para sa matagal na nitong pakikiisa sa mga voluntary blood donation initiatives.

Tinanggap ni Ms. Laura S. Canlas, Municipal Link at Team Leader, ang parangal sa ngalan ng buong 4Ps Porac MOO. Patunay ito ng matagal nang dedikasyon ng MOO sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang partner organizations. Sa pamamagitan ng mga ugnayang ito, mas maraming 4Ps beneficiaries ang nabibigyan ng pagkakataong makibahagi sa mga makabuluhang inisyatiba para sa komunidad.

Nagpapasalamat ang DSWD Field Office 3 sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital, sa mga 4Ps beneficiaries, volunteers, at partner organizations na katuwang sa mga ganitong adhikain.

Patuloy na magsisilbing inspirasyon ang pagkilalang ito sa pagsusulong ng mga gawaing nagbibigay ng pag-asa at nagtataguyod ng boluntaryong paglilingkod. ##