Victoria, Tarlac – Upang mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), isinagawa ang Skills Training on Mushroom Production sa bayan, hatid ng Office of the Agriculturist, Provincial Government of Tarlac, Local Government Unit of Victoria, at Public Employment Service Office (PESO).

35 na benepisyaryo ang lumahok sa nasabing pagsasanay na layuning mabigyan ang mga benepisyaryo ng alternatibong mapagkakakitaan. Dagdag pa rito, kabilang din sa mga dumalo ang nabuong Self-Help Group mula sa bayan na kilala bilang San Jacinto Farmers Association, na nakatakdang irehistro bilang isang opisyal na asosasyon sa PESO bilang bahagi ng patuloy na suporta sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan at organisasyon. ##