Pulilan, Bulacan – Isinagawa ng DSWD Field Office 3 Municipal Action Team (MAT) ang Children Not Attending School (CNAS)-related activity na may temang “Balik-Eskwela, Balik-Pangarap: Re-engagement Activity for Not Attending School Beneficiaries” na ginanap sa Conference Room na dinaluhan ng 50 benepisyaryo, na binubuo ng 16 na kalalakihan at 34 na kababaihan, kabilang ang mga kabataan at kanilang mga magulang.

Layunin ng aktibidad na muling hikayatin ang mga kabataan na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mabigyan sila ng kaalaman ukol sa mga alternatibong oportunidad sa edukasyon at pagpapaunlad ng kanilang mga kasanayan.

Naging matagumpay ang aktibidad sa tulong at suporta ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan at ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Pulilan, na patuloy na katuwang ng DSWD sa pagsusulong ng kapakanan at kinabukasan ng mga kabataan.

Sa pakikipagtulungan din ng DepEd Alternative Learning System (ALS) at sa pakikipag-ugnayan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa Provincial Public Employment Service Office (PPESO), naisagawa ang mga sumusunod para sa mga 4Ps beneficiaries:

Perfume-Making Workshop, Orientation on Bullying Prevention, at Orientation on Alternative Learning System (ALS) upang mabigyan ang mga kabataan ng dagdag na kaalaman, inspirasyon, at mga oportunidad na makatutulong sa kanilang personal na pag-unlad at pagbabalik sa pag-aaral.

12 na benepisyaryo ang nagkumpirmang magparehistro sa ALS habang patuloy naman ang enrollment at pagpaparehistro ng iba.

Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon at pangarap ng bawat kabataan. Walang maiiwan, bawat pangarap ay mahalaga! ##