Lalawigan ng Tarlac – Isinagawa ng Provincial Government of Tarlac ang “Provincial Job Fair (Caravan of Services and Trade Fair)” katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), DSWD Field Office 3 SWAD Tarlac kasama ang iba’t ibang government agencies at mga pribadong sektor.

Kabilang sa aktibidad ang 105 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa mga bayan sa lalawigan. 2 sa mga ito (La Paz at Gerona) ang matagumpay na Hired-on-the-Spot (HOTS) habang 26 naman sa mga ito ang sumailalim sa Cupcake Decorating Skills Training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ang isinagawang aktibidad na ito ng Provincial Government of Tarlac ay malaking tulong sa lahat ng mga Tarlaqueño at higit sa lahat sa mga benepisyaryo ng 4Ps upang magkaroon ng pagkakataong makahanap ng maganda at maayos na trabaho upang mapaunlad ang antas ng kanilang pamumuhay. ##