Olongapo City – Isinagawa sa ACTION INC. Office ang isang Drug Abuse and Crime Prevention Seminar para sa mga batang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na kabilang sa Karate Session Members.

Dinaluhan ito ng kabuuang 24 na kalahok (18 lalaki at 16 babae) na aktibong nakinig at nakiisa sa talakayan ukol sa kahalagahan ng pag-iwas sa ilegal na droga, masasamang bisyo, at iba’t ibang anyo ng krimen.

Layunin ng aktibidad na gabayan ang mga kabataan tungo sa responsable, disiplinado, at makabuluhang pamumuhay. 🥋💙 Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na pinagtitibay ang kaalaman, disiplina, at tamang pagpapahalaga ng mga kabataan, upang sila ay maging mabuting halimbawa at pag-asa ng kanilang pamilya at komunidad. ##