PURA, TARLAC – Isinagawa ang Caravan of Services: Building Sustainable Transitions sa Charlie O. Cojuanco Multi-Purpose Arena kung saan matagumpay na nakinabang ang 101 transitioning Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries mula sa iba’t ibang programa at serbisyong hatid ng mga katuwang na ahensya.

  • Alternative Learning System (ALS): 11 benepisyaryo ang na-enroll sa ALS sa tulong ng Department of Education.
  • Department of Trade and Industry (DTI): 130 benepisyaryo ang dumalo sa seminar tungkol sa pagsisimula ng negosyo.

  • Rural Health Unit (RHU): 85 benepisyaryo ang nakatanggap ng fasting blood sugar test, blood pressure monitoring, initial check-up, profiling para sa PhilHealth Yakap, at mga maintenance medicine at bitamina.

  • Public Employment Service Office (PESO): 15 katao ang nabigyan ng job-matching at application assistance.

  • Fortune Life: 45 benepisyaryo ang na-enroll sa insurance.

  • Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO): 35 benepisyaryo ang nabigyan ng impormasyon ukol sa scholarship, solo parent, at daycare services.

  • Basta Beripikado Mabilis ang Serbisyo (BBM Authentication): 36 benepisyaryo ang natulungan.

Patuloy na nagsisilbing daan ang Caravan of Services upang mabigyan ng oportunidad, suporta, at pag-asa ang mga transitioning 4Ps beneficiaries tungo sa mas matatag at mas maunlad na pamumuhay. ##