LA PAZ, TARLAC — Matagumpay na naisagawa ang “Bridges to Brighter Futures: A Caravan of Services Uplifting and Empowering 4Ps Beneficiaries” sa Barangay Dumarais upang ihatid ang mga mahahalagang serbisyo at oportunidad para sa mga pamilyang benepisyaryo mula sa Barangay Dumarais at Barangay Sierra.
Layunin ng aktibidad na ito na magsilbing tulay sa mas magandang kinabukasan para sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng paglalapit ng mga programa at serbisyo mula sa mga partner agency:
1. Public Employment Service Office (PESO) ay ibinahagi ang programang Aral-Training-Trabaho at iba pang mga serbisyo ng PESO na makatutulong sa paghahanap ng trabaho at pagsasanay. Sa katunayan, may 12 benepisyaryo ang kanilang inirehistro para mabigyan ng trabaho at 120 naman para sa Skills Training.
2. Sa Rural Health Unit (RHU), tinalakay ang mga Health Services at pinangasiwaan ang registration ng Set 12 sa PhilHealth upang matiyak ang kalusugan ng mga pamilya; kabilang din dito ang rehistro sa yaka provider. Mayroong 120 na nabigyan ng libreng check-up at 90 naman ang na-rehistro sa PhilHealth.
3. Philippine Statistics Authority (PSA) National ID naman ay isinagawa ang validation at registration ng mga benepisyaryo sa National ID upang masiguro na sila ay rehistrado at magkaroon ng opisyal na pagkakakilanlan para sa mas madaling transaksyon. Sa kabuuan, mayroong 29 na benepisyarong na-rehistro para sa National ID at nabigyan ng temporary ID. Mayroon ding 34 na benepisyaryo na na-validate at na-reprint ang National ID, at panghuli, may na-validate na 23 para sa CBMS ng ahensya.
4. La Paz KALIPI Women’s Organization naman ay ipinakilala ang samahang KALIPI at ang kanilang mga serbisyong nakatuon sa pagpapalakas at pag-unlad ng kababaihan sa bayan. Nagsagawa rin sila ng maiksing oryentasyon ng organisasyon.
5. Fortune Life Insurance at Personal Collection naman ay naghandog ng mga proteksyong pinansyal at mga business opportunities na magbibigay ng dagdag na kabuhayan sa mga kalahok. Sa katunayan, mayroong 100 benepisyaryo na nagparehistro para sa life insurance ng Fortune Life.
Ang nasabing aktibidad ay matagumpay na dinaluhan ng kabuuang bilang na 211 na benepisyaryo, kung saan 150 ay mula sa Barangay Dumarais at 61 naman mula sa Barangay Sierra. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ating mga partner agencies, patuloy ang DSWD – Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa pagpapaigting ng mga hakbang upang mas mapalakas ang kakayahan ng ating mga 4Ps beneficiaries tungo sa inaasam na pagbabago at pag-unlad ng pamumuhay. ##




