Dilasag, Aurora – Isinagawa sa Manggitahan Covered Court ang Bata Balik-Eskwela Campaign Activity / Not Attending School (NAS) Validation and Mapping na dinaluhan ng 15 kabataan, apat (4) na lalaki at labing-isang (11) babae.

Sa pakikipagtulungan ng Alternative Learning System (ALS) Dilasag, Barangay Local Government Unit Committee on Barangay Council for the Protection of Children (BCPC), at isang dating monitored child ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na ngayon ay isa nang ganap na Licensure Examination for Teachers passer bilang resource speaker.

Layunin ng aktibidad na ito na mahikayat ang mga identified NAS na bumalik sa pag-aaral at mapababa ang bilang ng mga Out-of-School Youth, matukoy ang iba pang pangangailangan ng mga NAS at makapagplano ng mga posibleng interbensyon upang matulungan ang mga batang nakararanas ng uncontrolled circumstances.

Nagbahagi ng inspirasyon at mahahalagang karanasan ang mga resource speakers upang hikayatin ang mga kabataan na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng mga hamon sa buhay. Ito ay patunay sa pagsusumikap ng DSWD 4Ps na patuloy na nagsusulong ng mga programang nagbibigay-serbisyo at benepisyo sa mga benepisyaryo nito. Higit na layunin nito ay mapababa ang bilang ng mga OSY sa komunidad sa pamamagitan ng information drive at intervention activities. ##