Magalang, Pampanga — Personal na binisita ni DSWD Secretary REX Gatchalian ang 4 na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na naka-avail ng murang pabahay sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4Ps) sa Pasinaya Homes.
Ang mga benepisyaryong ito ay sina Maria Manalili mula sa bayan ng Sto. Tomas, Judith Batac mula sa bayan Apalit, Nerissa Tejano mula sa Mabalacat City.
Sa kanyang pagbisita, kasama niya ang mga kawani mula sa Lokal na Pamahalaan ng Magalang sa pangunguna ni Mayor Malu P. Lacson at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa pangunguna ni Provincial Social Welfare and Development (PSWDO) Head Fe Y. Manarang. Sila ay nagpaabot ng kaunting regalo sa mga benepisyaryo na magagamit nila sa kanilang bahay.
Idinisenyo ang mga yunit ng pabahay ng 4PH para sa mga benepisyaryo ng 4Ps na umabot na sa antas ng pagiging sapat ang kakayahan (self-sufficient) at may kakayahang pinansyal na magbayad ng buwanang hulog nang regular.
Kasama rin sa aktibidad sina Assistant Secretary for Special Concerns Irene Dumlao, Assistant Secretary for Support to Operations and New Initiatives under the Conditional Cash Transfer Group Atty. Ellaine Fallarcuna, DSWD Field Office 3 Regional Director Venus F. Rebuldela, at mga partners mula sa Joy-Nostalg Foundation. ##