Quezon, Nueva Ecija — Si PAUL VINCENT VALMONTE RAFAEL, LPT, na nagmula sa pagiging isang dating monitored child sa San Alejandro at isang Expanded Students’ Grants-in-Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP-PA) scholar, ngayon ay isa nang ganap na guro na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa kabataan.

Dahil sa kanyang determinasyong makapagtapos ng pag-aaral, higit pa rito ang kanyang mga nakamit. Nakapagtapos ng Bachelor’s Degree sa Central Luzon State University, Major in Technology and Livelihood Education, habang siya ay Dean’s Lister. Siya rin ay Licensed Professional Teacher at ngayon ay kumukuha ng Master of Arts in Education, Major in Home Economics sa Wesleyan University of the Philippines.

Bukod pa rito, siya rin ay nagkaroon ng mga National Certificates sa mga kursong Food Processing NC-II, Events Management Services NC-III at Agricultural Crop Production NC-II habang sa kanya namang professional milestones, ay nakamit nya ang mga sumusunod: Rank 1 – Teachers Ranking, SDO Cabanatuan City ,Rank 3 – Teacher III Ranking, SDO Cabanatuan, Division-Wide Exam Writer in TLE , Service Awardee (3 consecutive years), Outstanding Junior High School Teacher, Teacher I sa Cesar E. Vergara Memorial High School at Promoted din siya bilang Teacher III at pinarangalan bilang Dangal ng Pinas – Outstanding Young Educator Awardee at tumanggap ng Heroes of the Present Certificate of Recognition.

Isang patunay na walang imposible sa taong may pangarap at determinasyon. Ang bawat hakbang, gaano man kaliit, ay may patutunguhan. Patuloy na magsisilbing inspirasyon at ilaw sa landas ng edukasyon. ##