Llanera, Nueva Ecija – Aktibong nakibahagi ang 30 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Parent Leaders sa Basic Life Support (BLS) Training sa Evacuation Center na layuning mabigyan ang bawat pamilya ng sapat na kaalaman at kakayahan sa pagbibigay ng paunang lunas sa oras ng emergency.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, mas napalalakas ang kahandaan ng komunidad, kung saan ang mga Parent Leaders ang nagsisilbing unang tagapagtaguyod ng kaligtasan at kalusugan sa kanilang mga pamilya at nasasakupan.

Ang aktibidad ay naisagawa mula sa pakikipagtulungan ng Rural Health Unit (RHU), Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), at Bureau of Fire Protection (BFP).

Patunay ito ng patuloy na pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya upang matiyak ang kaligtasan at kahandaan ng bawat pamilya sa oras ng sakuna. ##