“Ang edukasyon ay nagbibigay ng kasanayan, kaalaman, at kumpiyansa na hindi mananakaw ng sinuman.”

Mayantoc, Tarlac – Mula sa pagtutulungan ng DSWD Field Office 3 – Municipal Action Team (MAT) Mayantoc kasama ang Department of Education – Alternative Learning System (DepEd – ALS), naisagawa ang ALS Orientation and Preparation para sa 59 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries mula sa iba’t ibang barangay ng bayan.

Mas lalo pang naunawaan ng mga benepisyaryo ang kahalagahan ng edukasyon. Dahil dito, ang mga benepisyaryo ay nagdesisyon na magparehistro at ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa Junior High School at Senior High School sa ilalim ng ALS. Nakatakda silang makabalik sa paaralan sa darating na Hunyo ngayong taon.

Layunin ng aktibidad na ito na matulungan ang mga benepisyaryo na maiangat ang kanilang antas ng edukasyon upang madagdagan ang kanilang kakayahan at upang magkaroon ng mas magandang oportunidad at kinabukasan para sa kanilang pamilya.

Ang tanging hangad ng MAT Mayantoc at DepEd ay matulungan ang mga benepisyaryo na makapagtapos ng pag-aaral upang magkaroon ng maayos at magandang buhay dahil ang edukasyon ang siyang kayamanan na hindi mananakaw ng sinuman at kanilang magagamit magpakailanman. ##