Isa na namang nakakagulat at nakakaproud na tagumpay para sa isang monitored child ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Tarlac City!

Malugod naming binabati ang ating kampeon na si 𝗝𝗢𝗛𝗡 𝗩𝗘𝗥 𝗔. 𝗚𝗔𝗧𝗧𝗢𝗖 mula sa Tarlac City!

Sa kanyang kahanga-hangang husay, eksaktong galaw, at matinding determinasyon sa loob ng ring, nakamit ng Tarlac City ang dominanteng 3–0 na panalo laban sa Aurora. Sa bawat round ay ipinakita niya ang disiplina, tapang, at pusong mandirigma.

Mula sa pagiging Gold Medalist sa Bantamweight Division (52–54 kg) sa Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) 2026 hanggang sa pagpapatuloy ng kanyang sunod-sunod na tagumpay, tunay kang inspirasyon sa marami. Bitbit mo hindi lamang ang iyong mga pangarap kundi pati na rin ang karangalan ng buong komunidad ng 4Ps.

Habang ikaw ay naghahanda upang kumatawan sa atin sa Palarong Pambansa, tandaan mong ang buong komunidad ay sumusuporta at patuloy na nagbubunyi para sa iyo sa bawat hakbang ng iyong laban. ##