Paombong, Bulacan – Naging matagumpay ang Livelihood Training sa paggawa ng Dishwashing Liquid at Fabric Conditioner para sa 40 aktibong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Paombong Ministerial Council, Civil Society Organization (CSO) partner ng naturang Municipal Action Team, sa pakikipagtulungan at suporta ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Local Government Unit ng Paombong.

Layunin ng programang ito na palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga benepisyaryo upang magkaroon ng napapanatiling kabuhayan sa komunidad. Gayundin ay isinasaayos na ang iba’t ibang Skills and Livelihood Training para sa mga benepisyaryong nakatakdang magtapos sa Hunyo. ##