Isinagawa sa Kalawakan Elementary School, Doña Remedios Trinidad, Bulacan ang BAYANIHAN SIM Card Distribution ng Office of the President, katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Region III.

Sa naturang aktibidad, 86 na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nakatanggap ng SIM card na may libreng 25GB internet connection kada buwan.

Layunin ng proyektong ito na palawakin ang akses sa internet ng mga mag-aaral na mula sa Unserved and Underserved Areas (UUAs) upang higit na masuportahan ang kanilang pag-aaral.

Ito ay bahagi ng mga pangunahing programa at adbokasiya ng pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na naglalayong isulong ang digital inclusion at dekalidad na edukasyon para sa lahat.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni DICT Regional Director Antonio Edward Padre, katuwang ang DSWD Field Office 3 – Central Luzon, Municipal Action Team ng Doña Remedios Trinidad, at ang pamunuan ng Kalawakan Elementary School. ##