📍 Sablayan Sitio Pisapungan, Brgy. Sula, San Jose, Tarlac

Matagumpay na naisagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 3 – Central Luzon, kasama ang Global Peace Foundation Philippines, Local Government Unit of San Jose, JCI Manila, Security Bank, Municipal Action Team ng San Jose, SWAD Tarlac at iba pang katuwang na organisasyon, ang Launching ng 54th All-Lights Village at ang Turnover Ceremony ng Solar Street Lights at Solar Lamps.

💡 10 Solar Street Lights ang opisyal na naipagkaloob sa Sablayan Sitio Pisapungan, Brgy. Sula, na magpapabuti sa kaligtasan at paggalaw ng komunidad.

💡 100 Solar Lights naman ang naipamahagi sa piling mga 4Ps beneficiaries mula sa mga sumusunod na barangay:
• Burgos

• David

• Iba

• Labney

• Lawacamulag

• Lubigan

• Mababanaba

• Moriones

• Pao

• San Juan de Valdez

• Sula

• Villa Aglipay

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ahensya na maiangat ang kabuhayan ng mga komunidad, mapalakas ang katatagan, at maisulong ang napapanatiling pag-unlad sa pamamagitan ng mas madaling pag-access sa pangunahing serbisyo.

Lubos naming pinasasalamatan ang lahat ng partners at stakeholders na naging bahagi ng matagumpay na aktibidad na ito.

Sama-sama nating hatiran ng liwanag, pag-asa, at kaunlaran ang bawat pamilyang ating pinaglilingkuran! ##