Isang makabuluhan at matagumpay na araw ng pagkatuto ang naganap sa isinagawang Training on Fish Processing and Deboning para sa mga exited beneficiaries bilang parte ng kanilang aftercare services.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Agriculture Office (MAO) at Public Employment Service Office (PESO), sa pangunguna ni Mayor Mac P. Marcos. Dinaluhan ang programa ng 30 participants, kabilang ang 13 exiting beneficiaries, 5 active beneficiaries, at iba pang residente mula sa mga barangay Masukol, Binakod, Sta. Cruz coastal barangays.

Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kanilang kaalaman sa tamang pagpoproseso at pagdebone ng isda bilang dagdag na kasanayan para sa kabuhayan at oportunidad sa trabaho. Sa patuloy na suporta ng MAO at PESO, nagpapatuloy ang ating hangarin na mabigyan ng sapat na kasanayan at pagkakataon ang ating mga benepisyaryo upang makamit ang mas matatag at maunlad na pamumuhay.

Lubos ang pasasalamat ng Municipal Action Team Paombong sa lahat ng lumahok at naging bahagi ng tagumpay ng aktibidad na ito.

Tunay na ang kaalaman ay puhunan at ang puhunan ay daan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat Paombongueño. ##