Bilang suporta ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, ipinamahagi ang Family Development Session (FDS) Kits sa mga City/Municipal Links sa rehiyon. Kasunod ito ng ipinangako ng kalihim noong personal niyang kinumusta ang mga ito.

Bawat FDS kits ay naglalaman ng correction tape, ballpens, umbrella, colored papers, masking tapes, markers, bondpaper, manila paper, at lapel.

Layunin nitong siguruhing may sapat na mga kasangkapan ang mga case managers ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na magagamit sa pagsasagawa ng mga FDS sa kanilang mga nasasakupang benepisyaryo. Sa pamamagitan nito, mas matitiyak na mapapaunlad pa ang paghahatid ng mga leksyon at iba pang aktibidad.

Sa kasalukuyan, ang mga napamahaging FDS kits sa rehiyon ay:

Bataan – 72

Bulacan – 95

Nueva Ecija – 77

Pampanga – 169

Tarlac – 143

Zambales – 73

Nakatakda rin ang distribution ng FDS Kits sa Aurora ngayong Disyembre habang patuloy pa rin ang pamamahagi nito sa ibang mga lalawigan.

Maraming salamat po, Secretary Rex Gatchalian! ##