Ginanap sa Concepcion Municipal Government Center ang Kilos Kalusugan Para sa Pamilyang 4Ps, na pinangunahan ng Municipal Action Team of Concepcion katuwang ang Local Government Unit of Concepcion, Municipal Social Welfare and Development Office, at Municipal Health Office.

Layunin ng aktibidad na mas mapalapit sa mga pamilyang 4Ps ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan. Nauna nang isinagawa noong Nobyembre 24–25 ang blood chemistry tests, na nagsilbing basehan ng comprehensive consultation, kung saan 190 benepisyaryo ang nabigyan ng paliwanag at payo tungkol sa kanilang blood chem results.

Kasabay nito, nakapagbigay din ng iba pang serbisyo: 30 benepisyaryo ang nabunutan sa dental, 50 kababaihan ang nakapagpa-pap smear test, at 76 benepisyaryo ang nakatanggap ng libreng reading glasses. Sa kabuuan, 298 na benepisyaryo ang natulungan sa iba’t ibang health services.

Pinrayoridad ng Municipal Action Team of Concepcion ang mga benepisyaryong may agarang pangangailangan upang mabigyan sila ng tamang atensyon at referral. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat ng partner offices, naging maayos at matagumpay ang Kilos Kalusugan para sa mga pamilyang 4Ps ng bayan. ##