Isinagawa ang makabuluhang aktibidad na ito sa Brgy. Muzon, South, City of San Jose del Monte, Bulacan at Camachile, Doña Remedios Trinidad, Bulacan, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga pribadong kompanya.

Ang nasabing inisyatiba ay malinaw na pagsuporta sa layunin ng DSWD Field Office 3 – Central Luzon, sa pamumuno ni Director Venus F. Rebulda, na higit pang mailapit sa komunidad ang mga programa at serbisyo, lalo na para sa mga bulnerableng sektor ng lipunan, upang makatulong sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan at kalidad ng buhay.

Ilan sa mga programang naihatid para sa 4Ps beneficiaries ay ang mga sumusunod:

• Health Office – 51 (CSJDM) at 130 (DRT) benepisyaryo ang nabigyan ng libreng medical check-up, gamot at vitamins.
• CSWDO – 12 benepisyaryo (CSJDM) ang nakatanggap ng tulong medikal, burial assistance, pangkabuhayan, at nagkaroon ng Solo Parent, PWD at Senior Citizen ID.
• CYSDO – 12 (CSJDM) benepisyaryo ang matagumpay na nakapagparehistro sa Scholarship Grant para sa School Year 2026–2027.
• PESO – 25 (DRT) benepisyaryo ang nagpalista upang sumali sa Skills Livelihood Training (Food Processing).
• PSA – 24 (DRT) benepisyaryo ang nakapag-apply ng late registration sa ilalim ng BRAP upang magkaroon ng National ID at birth certificate.
• ALS – 3 (CSJDM) at 4 (DRT) na kabataan ang nakapag-enroll at makababalik sa kanilang pag-aaral.
• Red Cross – 3 (CSJDM) benepisyaryo ang nagparehistro upang magkaroon ng Life Insurance.
• Agriculture Office – 90 (CSJDM) at 130 (DRT) benepisyaryo ang nabigyan ng mga binhi at butong gulay tulad ng kangkong, okra, mustasa, pechay, sitaw at iba pa.
• BPI BanKo – 50 (DRT) benepisyaryo ang nakapagbukas ng kanilang savings account.

##