PURA, TARLAC — Noong ika-18 ng Nobyembre 2025, naisagawa sa bayan ang Pugay Tagumpay, kung saan pormal na kinilala ang 149 na mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na matagumpay na nakaabot sa yugto ng pag-exit mula sa programa.

Bilang bahagi ng seremonya, ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng iba’t ibang serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya sa isinagawang Caravan of Services kasabay ng aktibidad. Kabilang sa mga ito ang:

– Department of Trade and Industry (DTI)
Entrepreneurial Mindsetting Seminar (149)

– Philippine National Police (PNP)
legal assistance (9)

– Public Employment Service Office (PESO)
pre-employment services (21)

– Rural Health Unit (RHU)
medical check-up, fasting blood sugar monitoring

– PhilHealth
profiling para sa (135)

– Fortune Life
one-year life insurance (149)

– Municipal Agriculture Office (MAO)
vegetable seeds (149)

– Department of Education – Alternative Learning System (DepEd-ALS)
orientation at enrollment (4)

Ang Caravan of Services ay isang inisyatiba na naglalayong maghatid ng komprehensibong aftercare services sa mga benepisyaryong magtatapos sa programa.

Patuloy na nakikipagtulungan ang DSWD, LGU, at iba pang katuwang na institusyon upang matiyak na ang mga transitioning 4Ps beneficiaries ay nabibigyan ng kinakailangang suporta, kaalaman, at oportunidad para sa mas matatag, mas produktibo, at mas maunlad na pamumuhay.

Dahil sa patuloy na suporta ng programa, matagumpay na naabot ng mga benepisyaryo ang Self-sufficient Level (Level 3). Ito ang sumisimbolo sa kanilang pag-angat at paglipat mula sa kahirapan tungo sa mas matatag at maunlad na pamumuhay. ##