TARLAC CITY, TARLAC – November 24, 2025 | DIWA ng Tarlac

Isinagawa ang Pugay Tagumpay kung saan 886 pamilyang benepisyaryo ang opisyal na nag-exit mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Dinaluhan ang programa ng mga Department Heads ng Pamahalaang Panlungsod ng Tarlac City at iba’t ibang partner stakeholders, na nagbahagi ng mensahe ng suporta at pagbati sa mga nagsipagtapos na benepisyaryo. Sa ngalan ni DSWD Field Office 3 – Central Luzon Regional Director Venus F. Rebuldela, dumalo si 4Ps Division Chief Josephine C. Dela Tonga, kasama ang City Action Team, at iba pang kawani mula sa SWAD Tarlac. Kinatawan naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac si Ms. Ma. Elena Jalos, Department Head ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), upang mamahagi ng Food Packs mula sa Provincial Government bilang bahagi ng aftercare assistance para sa mga exited beneficiaries.

Pinangunahan ni Mayor Susan Yap ang pamamahagi ng iba’t ibang serbisyo at tulong sa ngalan ng CSWDO.

Ilan sa mga ibinahaging serbisyo:
⦁ Seedlings at Fruit-Bearing Trees mula sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO)
⦁ Employment at crochet training mula sa Public Employment Service Office (PESO)
⦁ Employment opportunities mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Ang aktibidad na ito ay patunay ng matatag na pagtutulungan ng DSWD, Pamahalaang Panlungsod ng Tarlac City, at Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac, upang mabigyan ang mga exited beneficiaries ng pagkakataong magsimula ng panibagong yugto tungo sa mas maunlad na pamumuhay. ##